Isla ng Agosh (Isla ng hangin)
Naglakad kami ni Tandang Helaman paakyat sa gubat, nagpahinga at nanguha ng mga prutas. Ibang klase talaga si tandang Helaman, napipitas nya ang mga prutas na hindi ginagamit ang kamay nya, gamit lang ung pagiisip nya. Nagtanong ako sa kanya kung kagagawan nya ang paglutang ng bato at hindi ako. Sinabi nya sa akin na kahit malaman ko man o hindi wala na akong magagawa dahil ako ang itinakda. Tinanong ko sya uli kung bakit nga ako pinili na maging estudyante nya at hindi yung mga malalakas sa aming Isla.
Ang sabi nya ang marka sa aking braso ang simbulo na ako ang unang itinakda. Tinanong ko sya kung ano ang ibig sabihin ng lunar sa aking braso, sabi naman ni tandang Helaman nayan ang simbulo ng pag-asa.
Pagkatapos kumain at magpahinga nagsabi syang pumasok na, at ang nakita ko lang na papasukan ay ang kweba sa harap namin. Bumulung-bulong ako sa aking sarili kung nababaliw na ba ang matandang ito, at biglang binatukan nya ako ng kanyang sungkod at sinabi “ito ang unang leksyon na kailangan mung matutunan, kailangan kang magkaroon ng Pananampalataya”. Bulong ko sa aking sarili kung anong ibig sabihin nang pananampalataya/pag-asa? Sabi ni Tandang Helaman, na ang pananampalataya ay paniniwala sa isang bagay na hindi mo nakikita ngunit totoo. Tulad daw ng isang hangin na hindi nakikita ngunit nararamdaman natin.
Pagkatapos ipaliwanag ni Tandang Helaman sa akin ang tungkol sa pananampalataya, naapag-alaman ko na hindi ako nagsasalita sa bibig kundi sa isip. Tumingin ako sa kanya at nagtanong kung paano nya nababasa ang isip ko at makipag kumunikasyon gamit ang isip. “Yun ang ituturo ko sayo” sabi ni Tandang Helaman. Sabi pa nya sa akin ang sinasabi ko lang ang nababasa nya hindi ang mga litrato na iniisip ko sa utak. Ibang klase talaga sya. Pumasok na kami sa madilim nakuweba, habang naglalakad nakita ko na ang dulo ng kanyang sungkod ay umilaw para makita namin ang aming dinadaanan. Habang naglalakad ay nagtanong ako sa kanya kung tama yung narinig ko sa aming Isla na subrang tanda nya na, kasi kung titingnan ko si tandang Helaman ay mga nasa limang po na ang kanyang edad. Sabi nya kasama sya ng mga tinatawag naming mga NINUNUng unang dumating sa Isla namin, at napag-isip ako na mga mahigit isang melinyo na o isang libong taon na ang kanyang edad.
Nang makalabas kami ay di ko namalayan na hanganan na pala yun ng lupa at nahulog na ako, mabuti nalang nahawakan ni Tandang Helaman ang kunop na nakasabit sa aking liig, at hinila ako paakyat. Mabilis ang pintig ng aking puso na inakala kung katapusan ko na sa mga oras na iyon, nakatungtung kami sa lumulutang na bundok. Sinabihan ako ni Tandang Helaman na kailangan din na Tingnan ko ang aking dinadaanan at hindi padalos-dalos sa mga disisyon na aking gagawin para hindi mapahamak tulad nang nangyari sa akin.
Nagpasalamat ako sa kanya. Nakita ko ang lugar at ako’y namangha nang lubusan, parang sa kwento ni Itay na avatar. Nahulog ako dahil lumulutang lang ang mga bundok sa himpapawid. Ang daan ay sa gilid at hindi tuwid. Sinabihan ako ni Tandang Helaman na maglakad na nakatagilid na ang aking katawan ay isandal ko sa bundok, at wag akung titingin sa baba, para makasigurado ay hinahawakan nya ang aking kunop sa liig. Naghahalong kaba, at parang hindi na ako makahinga sa takot nabaka mahuhulog, nahirapan akung maglakad dahil sa panginginig ng aking buong katawan. Nang makarating kami sa taas ay hinimatay ako sa takot. Nang makagising na ako nakita ko ang maraming tao na naghihintay kay Tandang Helaman.
Piesta sa kanilang Isla at kumain ako ng maraing pagkain. At napag-alaman ko na kakaiba ang kanilang pagkain. Hindi sila kumakain ng karne, puro gulay , prutas, tinapay, at iba pa maliban sa karne. Dumating na ang oras na mag bibigay na naman si tandang Helaman ng talumpati katulad ng sinabi nya sa Isla namin, Habang kumakain na ay nilapitan ako ng limang binatang lalaki na sa subrang bilis nila ay hindi ko namalayan na nasa tabi kona sila.
Tinanong nila ako kung ako ang estudyante ni Tandang Helaman at sinabi ko sa kanila na ako. Dahil napagalaman nila na ako ang unang estudyante ni Tandang Helaman ay inakala nila na isa akung malakas na nilalang na may kakaibang katangi-an at kapangyarihan. Gusto nilang subukan ang aking kakakayahan kaya ang ginawa nila ay sinabihan nila akung labanan sila, ngunit tumang-gi ako dahil alam kung wala akung laban sa kanila. Kaya nilang kuntrolin ang Elmento ng hangin. Dahil sa ilang ulit akung nagsabi sa kanila na hindi ako suma sang-ayun sa kanilang plano at nakatahimik lamang habang kinukutya na nila ako. Nagsimula akung tumayo at umalis sa kanila para makaiwas sa gulo, ngunit nang nakita nila ang kwentas na nakasabit sa aking liig. Tinanong nila ako kung sa akin ang kwentas na hinawakan ng kanilang kaibigan, nagtaka ako kung pano napunta sa kanila ang kwentas sa subrang bilis ay hindi ko nakita. Tumakbo sila papalayo at kinantyawan akung habulin sila.
Nagsabi sila sa akin na kung ako ang unang itinakda ay patunayan ko sa kanila at magpakitang gilas. Hinabol ko sila para kunin ang kwentas nang makarating ako sa isang bakanting espasyo ay pinalibutan at pinagbabatok, pinagpasa-pasahan din nila ang kwentas. Hanggang napagod ako sa pagahahabol. Sabi nila na nagbibiro daw ako bakit hindi ko pa pinapakita ang aking lakas.Nagsimula ang isa sa pagsuntok sa akin pero nagtaka sya na hindi ako lumalaban, kaya inakala nilang lahat na nagbibiro ako, isa isa silang lumapit at sumuntok sa akin habang nagtatawanan hindi ko sila makita dahil sa subrang bilis nila ang tanging naramdaman ko ay ang sakit ng bawat tama ng kanilang kamao sa aking katawan.
Nagsasalita sila na tama na ang aking pagbibiro at seriousohin ko na ang laban, kung ako daw ang pinili. Sabi ko naman sa kanila na wala akung kakayahan nakiusap ako ng awa na ibigay nila ang kwentas sa akin. Dumidilim na ang aking mga paningin na parang napag-isip ko na baka katapusan kona, ngunit sa kanila ay isang biro at pagpapanggap lang ang aking ginagawa. Sa kawalan ng pag-asa ay dumating ang isang kaidad ko na ka isla nila at nagsabing tumigil na sila. Sabi ng lima na wag daw syang makialam sa kaguluhan. Kumuha sya ng kapirasong papel sa kanyang bulsa at nakita ko habang hinahawakan nya ang papel ay nagliyab ito pero hindi nasusunog ang papel. Biglang dumating si Tandang Helaman at inawat kami, kinuha ko ang kwentas na bigay sa akin ni Sarah. Doon ko nakilala si Moroni, ang nagligtas sa akin sa gabing yun kakaiba ang kapangyarihan ni Moroni. Tinulungan ako ni Moroni na maglakad papuntang bahay nila. At pinahiga sa kama, nakita ni tandang Helaman na hindi maganda ang kalagayan ko kaya hinubad nya ang aking pantaas na damit at nang hinipo nya ang aking tigiliran na pagalaman nya na may ilang buto ang nabali sa dibdib at aking tagiliran. Sabi nya na mapalad ako dahil nabuhay pa ako, kumuha sya ng piraso ng damit at nilagay sa akin bibig at sinabihan akung kagatin.
Ipinatong ni Tandang Helaman ang kanyang mga kamay sa aking dibdib at nakita ko na may liwanag na lumalabas sa kanyang mga kamay naramdaman ko na nag-init ang aking katawan at biglang gumalaw ang mga buto ko na nabali at parang humahanay ito sa kanyang posisyon pero di ko mapigilan na sumigaw dahil sa sakit. Nawalan ako ng malay ng gabing ginagamot ako ni Tandang Helaman. Kinaumagahan, sa pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko ang limang kabataang lalake na kasing edad ko lamang na sa aking harapan, sabi ng ama ni moroni kung sila ang aking nakita dahil pag sinabi kung sila ay papatungan sila ng hatol ng kamatayan at bibitayin sa harap ng mamamayan ng Agosh.
Nakita ko na ang iba sa kanila ay umiiyak sa takot, sinabihan ko ang ama ni Moroni na hindi ko kilala ang mga taong iyan dahil sa gabi at di ko maaninag ang kanilang mga mukha, dugtong ko pa na hindi sila ang mga taong gumulpi sa akin ng gabing yun. Habang nagsasalita ako ay nakita kung tumutingin sila sa akin na nagulat dahil inakala nila dahil sa ginawa nila sa akin ay sasabihin ko sa ama ni Moroni na sila yung mga taong gumulpi sa akin ng gabing yun, at malalagay sila sa hatol ng kamatayan ng Isla nila.
Sinabihan ako ng ama ni moroni kung sigurado ako sa aking sinasabi at sinabi kung sapat na ang sinabi ko at kailangan ko nang magpahinga. Sabi sakin ng ama ni Moroni na kanyang niririspito ang aking sinabi at aalis na sila, sabi ng lima kung pwede daw nila akung makausap at hiningi ang permiso ko. Sumangayun ako at nanatili sila sa loob ng silid. Lumuhod sila sa akin at nagpasalamat, humingi ng patawad. Nakita ko ang kanilang pagsisisi at sinabihan silang sa susunod wag nilang daanin sa biru-an ang lahat. Sabi nila na balang araw ay papalitan nila ang kabutihang ginawa ko sa kaila na utang nila ang buhay nila sa akin. Nag-usap kami sa silid at nagkwentuhan.
No comments:
Post a Comment