Ako si Abraham at ito ang kwento ko, Taong Apat na Libo at siyam na raan, 4900. Naninirahan kami sa tabi ng dagat, Isang liblib na isla na tinatawag ZARAHEMLA. Ang Isla namin ay napapalibutan ng ulap, sabi ni Itay isa daw itong proteksyon para hindi matuntun ng tagalabas ang aming isla. Ako ang panganay sa tatlo kung kapatid. Namuhay ako sa simpling pamilya. Tuwing umaga ang ginagawa ko ay tumutulong ky itay sa bukid sa pagsasaka at pagkatapos nang gawain sa bukid ay naglalaro kami ng aking mga kapatid.
Pagmalapit na ang paglubog ng araw ay pumupunta kami ng mga kapatid ko sa burol para magpasalamat sa Dios sa mga biyayang ibinigay nya sa aming pamilya at ka isla, sariwang hangin, at masaganang ani.
Isang malamig na hapon, nang nakaupo kami ng mga kapatid ko sa kubo kasama si itay, nagpapahinga galling sa pagsasaka ay nagkwento si Itay tungkol sa aming mga ninuno nuong unang panahon na nanirahan sa mga mysteryusong mga pulo at isla na kung tawagin ay mundo, sabi sa kwento na sinakop ng kampon ni Coriantumr isang kampon ng kadiliman na gumagawa ng lihim na kumbinasyon, kahindik hindik ang sinapit ng pagsakop, sinabi sa kwento na ang sino mang hindi sumunod kay Coriantumr ay kanilang pinapahirapan bago patayin. Kailangan na sambahin nila ang mga diyos-diosan, Maraming namatay na mga mananampalataya sa Dios at hindi sumunod kay Coriantumr.
Ang labi ng mga tao ay itinatapon sa kalye kaya nangagamuy agnas ng katawan ng tao ang lungsod at maraming nagkakasakit na mga buhay maliban sa mga halimaw na kinakain ang mga labi ng mga tao. Sabi ni itay ang iba ay nagtatago sa mga bundok para hindi matuntun ng mga kaaway, na naghihintay na isang araw may magliligtas sa kanila. Ang mga grupo naman na naglakbay sa dalampasigan ay aming mga ninuno, na syang nakarating sa islang ito. Buhat noon ay hindi na silang nagtangkang bumalik at namuhay ng mapayapa sa isla namin. Ngunit sa taon daw na ito ay ang simula ng pagbabago.
Pagkatapos magkwento ni Itay ay tinanong nya ako kung naniniwala ako sa kanyang kwento, ngumiti nalang ako at sinabihan sya na hindi. Sabi naman ni itay darating ang araw na maiintindihan ko rin ang ibig nyang sabihin.
Sa isla namin ang aming kinabubuhay ay pangingisda, pagsasaka, pag aalaga ng mga hayop, at iba pang gawaing bukid. Malayo kami sa sibilisasyon, hindi ko nga alam ang ibig sabihin ni itay na cellphone at TV, sakin kathang isip lamang, kwentong baryo ika nga. Dito sa isla ang karamitang libangan ng mga tao ay palakasan, dahil sa aming Isla ay tinatawag kaming pinakamalakas sa buong isla sabi ni tandang Helaman, isa syang ermetanyo sabi ni Itay, namumuhay sya sa paglalakbay sa ibat-ibang mga Isla. Ginagawa nya ang pagsusulat sa mga lami ng tanso bilang talaan ng kasaysayan ng aming mga ninuno, mahiwaga si tandang Helaman, sabi pa sa kwento na sya lang ang nakakaalam nang mga lagusan at makakapasok dito sa ibat ibang mga Isla. Sabi pa na nakarating na sya sa pinagbabawal na lungsod ang Lungsod ng Irreantum. Halos lahat kami ay hindi pa alam ang pinanggalingan at tunay na pagkatao ni Tandang Helaman. Ang nalalaman lang namin ay matalino sya at mahiwaga.
No comments:
Post a Comment