Nang paalis na sila ay naramdaman at narinig ko na may gumagalaw sa damuhan naparang may nagmamatyag sa amin. Sabi ko kay Moroni kung narinig nya ang narinig ko at sabi nya baka mga kaluluwa ng ninunu., Nang narinig ko ang salitang yun di nako nag atubili at tumakbo akung tumuwid sa maliit na daan papunta sa kabilang maliit na burol. Nasa isip ko na mabuti nalang at nakatagbo ako palayo kaagad at hindi nahabol ng multo, ngunit hindi ko namalayan na tumawid ako sa maliit na daan na hindi inaantala ang takot ko na mahulog. Narinig ko na sabi ni Moroni sa kabila na maliit na aso ang nakita nilang lumabas. Nagtaka sila bakit nakapunta na ako agad sa kinatatayuan ko at sabi ko daw magbabantay ako sa daanan, sabi ko naman na sinisigurado ko lang na walang patibung na nakalagay sa daan, ngunit bulong ko naman sa aking sarili pano ako makakatawid pabalik dahil takot ako sa matataas.
Nang makatawid na sila sa daan ay pumasok na kami sa loob. Sabi sa amin ni Leah na sino man ang matatakot na humarap sa Ninuno ay masusunog hanggang sa maging abu. Pinayuhan ako ni Leah na wag nalang tumuloy pero tumanggi ako at nagsabing sasama ako sa kanila para harapin ang mga ninunu, at isa pa hindi takot ang nararamdaman ko kundi respeto at karangalan sa mga ninunu na syang nagdala sa aming lahi sa mga isla.
Madilim ang daan papasok, sinabihan kami ni Leah na kunin ang dalawang bato na nakalagay sa sekretong lagayan at gasgasin ang bato na tinutuon sa langis, ginawa namin ang sinabi ni Leah at umapoy ang langis at nagkaroon ng ilaw sa gilid ng aming dadaanan. Nang marating namin ang gitna ay nakita ko na mayroon liwanag na nanggagaling sa butas ng bundok na tumatama sa gitna.
May bilog na bato na ang gitna ay patag na may taas ng isang talampakan. Pinalibutan ito ng walong kabaong sabi ni Leah na pumunta kami sa gitna at tinawag nya ang mga ninunu. Mga ilang minuto ang nakalipas ay mayroong boses kaming narinig na nagsabing “sino ang tumawag sa aming katahimikan,” boses ng pinunu ng mga ninunu namin. Sabi ni Leah na humihingi kami ng patawad sa aming pag abala sa kanila. Sabi ng boses na ano ang kailangan namin sa kanila at lumitaw ang walong espirito sa bawat kabaong.
Ang isa ay biglang pumunta sa likod ko at nagtanong ng aking pangalan. Hindi naman nakakatakot ang kanilang mukha tulad ng isang bangkay kundi katulad din namin silang mga tao yun nga lang wala silang katawan. Sinabi ko naman na nagmula ako sa Isla ng Zarahemla sa Isla ng pag-asa at ang pangalan ko ay Abraham, sabi nya naman na ako ang unang itinakda. Tinanong ako ng espirito kung natatakot ako sa kanila, sabi ko ng buong katapatan na hindi ngunit isang karangalan na makita ko sila.
Dahil sa kanila mayroon kaming mapayapang buhay. Nakita kung umiyak ang isang espirito na nanay. Ngunit sabi ng Pinunu na nagtatanong kung Masaya ako, sabi ko naman na oo na nagsisimula ng matakot dahil nagsimula na syang magalit. Sabi ng pinunu na bakit daw ako masaya na maraming nagdurusang mga katulad namin sa labas ng Isla, na naghihintay sa aming pagdating, na umaasa, maraming pinapatay, kinakain, inaalipin. Tinanong nya ako uli kung masaya ako, sabi ko na umiiyak na hindi.
Dugtong pa nya nabilang isang pinunu isipin ang kapakanan ng ibang tao kaysa sariling kapakanan. Mga ilang sandali napanatag na sya at nagtanong. Tinanong kami kung ano ang aming layunin, sinabi ni Leah nahinihingi ang ang kanilang pahintulot ng pagsasalin ng karapatan ng itinakda. Mula sa kanya patungo sa kanyang kapatid na si Moroni. Nagpulong ang mga Ninuno ng sandali, at kinalaunan sinabi sa amin na pumapayag sila. Sinimulan na ang pagsalin ng karapatan sa dalawang magkapatid, umupo silang dalawa nasalikuran si Leah habang nilalagay nya ang kanyang dalawang kaway sa likod ni Moroni at nakita kung lumilipat ang lunar mula kay Leah patungo kay Moroni.
Pagkatapos na maisalin nagpaalam na si Leah sa amin dahil pwedi na syang magpahinga sa mundo ng mga espirito. Malungkot na panahon sa dalawang magkapatid, tinanong sya ni Moroni kung magkikita pa sila, sabi naman ni Leah na siguradong magkikita silang mag-anak sa pagdating ng tamang panahon. Pagkatapos magpaalam ang dalawa sa isat-isa ay pinuntahan ako ni Leah at hinalikan sa pisngi.
Ang mga ninunu ay nagbigay sa amin ng payo, nagbigay ng basbas, at nagpaalam narin. Puno kami ng pag-asa sa mga oras nayun at dahan-dahan akung namulat sa aking mission at layunin bakit ako pinanganak sa mundong ito.
No comments:
Post a Comment