Tuesday, January 17, 2012

"Men who have never failed have never tried"

"Men who have never failed have never tried"


Minsan takot tayo na subukan ang isang bagay dahil nasa isip natin na mahihirapan lang o di kaya ay hindi natin makakamit ang ating minimithi dahil hindi natin kaya. Isa sa mga bagay na na-nakikita ko na hindi tayo mag iimprove sa ating buhay. Halimbawa, hindi tayo maghahanap ng trabaho dahil sa isip natin na walang tatanggap sa atin, pero sa una hindi pa natin nasubukan, ikalawa tayo mismo ang nagsasabi sa ating sarili na walang progression ang life natin.


"God will not do our part, we cannot do God's part"


Paano gagawin ng Dios na tulungan tayo kung tayo mismo hindi makakatulong sa ating sarili.  Halimbawa may lupain ka, pagkatapos tinitingnan mo at nana-nalangin araw-araw na ang Dios ay bigyan ka ng pagpapala na ang mga mais ay tutubo kusa sa iyung lupain. May pananampalataya ka nga pero wala naman sa gawa at tamad sa buhay.


"There are a lot of rules for success but none of them work unless you do"


Maraming mga karunungan at pamamaraan para sa sa pag-unlad sa buhay pero pag di tayo mag-aaral at susubukan ang mga ito hindi tayo uunlad sa buhay. pag may pribiheliyo sa ikauunlad learn agad pero mag ingat lang kung anong opportunity ang dadating sa buhay.


"We never find time; we can only take time"


Sa panahon ngayon  parati nating maririnig wala akung time, busy ako, next time nalang atbp. Para sa akin sa panahon ngayon busy na ang buhay ng tao pero ang isang bagay na nakikita ko na pag di tayo kukuha ng time e wala-hindi tayo makakapagbigay ng time lalo na sa ating pamilya. Minsan nag tratrabaho tayo lampas sa oras ng ating normal na working time.  Then magtataka nalang na hindi na natin alam ang ginagawa ng ating mga anak. May story nga ng isang tatay na nag tratrabaho sa isang company may roon syang anak na eight years old. Pag uwi ng tatay sa bahay i-wala ng panahon sa kanyang anak, sa bi ng kanyang anay isang araw tatay mag tatanong ako sa ino. Sabi naman ng tatay kung ano yung tanong nya.   Sabi naman ng anak kung magkano ang kanyang sahod sa company, nagtaka ang tatay at nagtanong kung bakit, sabi naman ng anak na bastas raw sagutin lang yung tanong nya.  Sabi naman ng tatay 800Php per hour. Sabi ng anak hingi daw sya ng pera, sabi naman ng tatay na saan nya gagamitin, secret sabi ng anak.


hanggang dumating ang araw na pumunta ang anak sa kanyang tatay, at nagsabi kung pwede daw makipaglaro, sabi ng tatay busy sya sa work. Sabi ng anak ito po Daddy, 800pesos po yan bibili ko po ang isang oras nyo para makapaglaro po tayo:(


"What people do not understand, they are against"


"The key to everything is patience, you get the chicken by hatching the egg not smashing it."

No comments:

Post a Comment