Monday, January 30, 2012

PAGPAPAKILALA

Taong tatlong libo at siyam na raan 3900.

Dumating ang araw na kinatatakutan ng bawat nilalang na naninirahan sa mundo. Dahil sa hindi na mapigilang kasakiman at ganid sa kapangyarihan, kayaman, mga sekritong kumbination, at digmaan ng mga tao. Isinilang ang isang kakila-kilabot na araw, ang araw nang kadiliman.

Dahil hindi na balansi ang mundo sa pagitan ng kabutihan at kasamaan, sa isang liblib na mundo isinilang ang kampon ng kadiliman, nasira ang mantilla sa pagitan ng mga tao at kadilimang nilalang. Sa kadahilanang wala silang mga katawang lupa ay sumanib sila sa mga taong handang ibigay ang kanilang kaluluwa sa dilim, ang mga sundalo ng kadiliman ay sa mga patay naman sumanib.

Nilusob nila ang bawat Isla sa buong mundo at nagkaruon ng walawakang digmaan sa pagitan ng mga tao at nilalang ng kadiliman. Dahil naghari ang kasamaan sa puso ng mga sakim ay madaling sinakop ang mundo ng mga tao, ang masaklap karamihan ay sumanib sa kasamaan. Mas ginusto nilang patayin ang kanilang kapatid kaysa mamatay. Si Curiantumr ay ginawang pinuno, pagkatapos ng digmaan at nag wagi ang kadiliman, ay nagbigay ng unang uto, na lahat ng nilalang na gustong mabuhay ay dapat magsamba sa mga dios-diosan, mahalin ang pera at makamundong bagay, ialay ang kanilang mga sanggol sa dios nilang gawa sa bato. Ang hindi sumang-ayun ay pinapatay nila ng walang awa. Ang mga lalake ay tinatalian nila at sinasabit, at walang awang sinusunog ng buhay. Ang mga babae ay ginagawang alipin, at ang mga kabataan ay pinapakain nila sa mga halimaw. Ito ang nangyari sa mundo, mundong mapayapa noon, ngunit mga ungol ng pag-iyak nlang na humihingi ng katarungan, pag-asa, at awa ang maririnig tuwing gabi. Ang bunga ng kamangmangan ng taong sakim ay dusa sa lahat.

Digmaan ng mundo, libo-libo ang namatay, may mga grupo ng indibiidwal na pinalad na mabuhay at tinawag silang Celestial Warriors. Sila ay nanggaling sa ibat ibang lahi, para maipagtatuloy ang sangkatauhan sa gabay i Ala, dahil sa hindi nila natalo sila ay ninais muna nilang lumayo para maisakatuparan ang propesya.

Naglakbay sila sa dalampasigan ng ilang mga buwan, nanalangin na ang kanilang buhay ay iligtas. Karamihan sa kanila ay sugatan, dinala sila ng panahon, nakarating sila sa mga isla na inihanda para sa kanilang kaligtasan bawat lahi sa bawat isla: Agosh-Isla ng Hangin, Akish-Isla ng Lupa, Anathoth-Isla ng Tubig, Gadiomnah-Isla ng Apoy, Zarahemla-Isla ng Pag-asa.

Isang nakakatanda sa mga nakaligtas na ang pangalan ay Lehi ay nag propesya na darating ang araw na ang munting liwanag ng pag-asa ay sisibul sa gitna ng kadiliman isang melinyo mula ngayon.
Si  Helaman isa sa gropu ng mga mandirigma ay binigyan ng isang malaking katungkulan. Mananatili syang buhay, hanggang sa huling araw na bumalik muli ang liwanag sa mundo ng mga tao. Hihintayin nya ang isang milinyo at hahanapin at sasanayin ang Limang Itinakda para iligtas ang mundo. Si Tandang Helaman ay makakapunta lamang sa Mundo ng mga Espirito pag matapos ng kanyang Misyon. Sinabi din ni tandang Lehi na sahuling araw ang mga mandirigmang mamamayan sa apat na elementong Isla ay magsasama para sa huling laban.

Sa kwentong ito matututunan natin ang ibig sabihin ng pagkakaibigan, pagmamahal, sakripisiyo at pag-asa

No comments:

Post a Comment