Monday, January 30, 2012

Pyesta ng Kalayaan


Bawat isang buwan sa isang taon, ay may tinatawag kaming pyesta ng pagkakalaya, ito daw ang araw na dumating ang mga ninunu namin sa islang ito. At inaasahan na darating si tandang Helaman. Habang nagkakasiyahan ang lahat ay dumating nga si Tandang Helaman at nakisalo sa kasiyahan. Sa tuwing pyesta lamang pumupunta si tandang Helaman sa aming Isla. Sa gitna ng kasiyahan ay inaabangan ng lahat ang sasabihin ni Tandang Helaman. Nang dumating na ang oras na magsasalita na si Tandang Helaman ay nagsitahimik ang lahat. Umakyat si Tandang Helaman sa maliit na burol para marinig ng lahat ang kanyang sasabihin, umupo sya sa silyang gawa sa kawayan at nagwika 


“mga kapatid, nagpapasalamat ako sa araw na ito, isa na namang taong ibinigay sa atin ng Lumikha na tayo ay nabubuhay nang mapayapa, nagkaroon ng masaganang ani, sa buhay na ibinigay sa atin, at higit sa lahat pamilya namayroon tayo.  Ito rin ang araw na nakarating ang mga ninunu natin sa Isla ng Zarahemla Isla ng pag-asa. Sa panahong ito gusto kung ipaalam sa lahat na ang taong aking hinihintay ay dumating na. Ang araw nang paghahanap sa mga itinakda. Itinakda na syang magliligtas sa mga kapatid natin na naniniwala sa Dios na naiwan sa Irreantum.  Para malaman ang isang itinakda ay magkakaroon ng pagsubok, sa lahat ng kabataang lalaki at babae. Bukas sa bukang liwayway ay magsisimula ang pagsubok. Kaya ang lahat ng mga kabataang lalake at babae ay mag handa.” sabi ni Tandang Helaman.

Pagkatapus na magsalita ni Tandang Helaman ang lahat ay namangha, pati si Itay at Inay. Pero hindi ako, hindi ako naniniwala sa mga kwento nya, walang  Irreantum at pagsasayang lamang ng panahon ang gagawin nila,  para sa akin kalukuhan lang ang pagsubok na gagawin kaya pinag isip-isip ko na mas mabuti pang umakyat na lamang sa bundok at magpalipad ng saranggola.

Kinagabihan habang kumakain kami sa hapag-kainan, ay nagtanong si Ina kung sabik daw ako para sa gagawing pagsubok para bukas. Sabi ko naman ay wala akung gana at magkakasakit ako bukas.  Pinagtawanan naman ako ni bunsoy at sinabing nababakla lang siguro ako. Sabi ni itay bakit hindi ko daw subukan.  Sabi ko naman sa kanila na halos lahat sa Isla ay malalakas maliban nalang sa akin, sabi ko pa sa kanila na siguro malas ako dahil pinanganak akung may balat sa kamay. Sabi ni itay na ako daw ay isang regalo mula sa Dios. Dugtong pa ni inay


“Alam mo, Abraham wala na kaming masasabi sayo, mabait ka masipag, magalang, matulungin kaya kung ano man ang maging desisyon mo bukas ay sya naming igagalang.” 

Nagbiruan nga kami bakit hindi binanggit ni ina ang salitang gwapo.  Pagkatapus kumain ay tinulungan ko si ina sa pagliligpit at tumambay muna ako sa labas ng bahay para magpahangin, kahit na sinabi nila inay at itay yun ay di parin mawala sa aking isipan na iba ako sa nakakarami.

Dumating ang bukang liwayway, ako naman tanghali na gumising at tinutuo ang aking pagkukunwari na may sakit.  Pumunta ako sa bundok para magpalipad ng saranggola ngunit inakala kung madami ang pupunta pero lahat pala ay pumunta sa paligsahan maliban sakin. Kaya nagpasya nalang ako na bumaba at makinood sa paligsahan, dumating ako sa lugar nang pagtitipun hapon na. Nanood ako sa kanilang paligsahan, nagtanong ako sa kakilala namin kung ano ang ginagawa ng bato na kasing laki nang aking kamao sa gitna. Sabi naman nya na kung sino man ang makakapagpalutang ng bato ay sya nyang gagawing disipulo.

Sa Isla kung saan kami naninirahan ay may mahika at kapangyarihan na hindi maipaliwanag. Kaya napag-isip ko na kaya ginawa ni tandang Helaman ang paligsahan para malaman kung sino ang may potential na kakayahan.  Nakita ko na maraming paulit-ulit na sumubok na paangatin ang bato, ang iba napagalaw nila pero di napaangat, namangha ako sa kakayahan nila. Pero hindi parin nakapasa sa pagsubok ni tandang Helaman, lahat ay bigo at sumuko. Bulong ko sa aking sarili na mabuti nalang na hindi ako sumali dahil sila nga na may pambihirang kakayahan ay bigo ako pa na isang ordinaryung binata lamang sa aming isla, siguradong pagtatawanan lamang ako.

Ngunit nagtaka kaming lahat bakit hindi pa pinapaalis ni tandang Helaman ang mga tao, nagtaka ako kung ano ang hinihintay nya. May nagtanong kung bakit hindi pa nya pinapaalis kaming taga baryo. Ngunit ang sabi ni tandang Helaman na may isa pang hindi pumupunta sa gitna, hindi dumadaan sa pagsubok.  Ang unang pumasok sa isip ko ay sumibat sa karamihan bago pa malaman na ako pa ang hindi nakakadaan sa pagsubok, nagtanong ako sa aking sarili kung paano nya nalaman. Ang ginawa ko ay tumalikod ako, dahan-dahang papalayo para hindi mapansin.  Biglang sinabi ni Tandang Helaman “saan ka pupunta?” sabi ko naman, hindi ako yung tinutukoy nya. Pinagpatuloy ko ang paglalalakad at biglang tumakbo ng mabilis ngunit ako’y nabunggo sa isang tao. Nang tumingin ako kung sinong pakialamiro, Si tandang Helaman ang nakabunggo ko, sabi ko sa sarili kung pano nya ginawa yun? Subrang bilis nya para makarating agad sa kinaruruunn ko. Tinanong ko sya kung bakit at bigla syang humarap malapit sa mukha ko at nagsabi “ikaw pa ang hindi nakadaan sa pagsubok”.  Sabi ko naman na hindi ako kasali, pinapili ako ni Tandang Helaman subukan ko o ipapakain nya ako sa mga pating.

Wala na akong ibang pagpipilian, pero nasa isip ko na ayus lang kasi imposibli na magagalaw ko ang bato at mapapaangat. Pumunta ako sa gitna at biglang tumahimik ang lahat, nakita ko sina ama at ina na pinagsisigawan ung pangalan ko at pinagmamalaki nila na ako ay kanilang anak. Ganon din ang mga kapatid ko.  Subrang hiya ko sa mga oras nayon, tumingin ako sa bato na pinipigilan ang aking kahihiyan, pagkalipas ng ilang mga sandali ay walang nangyari kaya tumingin ako salikuran kay tandang Helaman at nagsabi na “o ayan Tandang Helaman nakita mona walang nangyari, siguro makakauwi na ako” at nakita ko ang mga ka baryo ko na lumaki ang kanilang mga mata at namangha, tumigil ang orasan..biglang tumibok ang puso ko ng mabilis, na sana mali ang hinala ko. Dahan-dahan akung tumingin kung saan naroroon ang bato, ng tiningnan ko yung bato ay wala na sa kinaruruunan nito, lumulutang na sa iri. Pumalakpak ang mga tao at ako’y hinimatay. Pumasok sa isip ko “o hindi! ibig sabihin kailangan kung sumama sa matandang ito at iiwan ang mapayapa kung buhay? Nako po maging ermetanyo rin?”


Dito magsisimula ang kwento ng buhay ko. Ako si Abraham Covenant isang Celestial Warrior.

No comments:

Post a Comment