Bago sumikat ang araw ay ginising na ako ni Ina dahil hinihintay na ako ni tandang Helaman sa tabing dagat para sa aming paglalakbay. Sa panahong yun ay pinipilit nalang ako ni Ina na ayusin ang aking sarili dahil sa katunayan ayo kung lisanin ang aming Isla, ang mapayapang pamumuhay na mayroon ako at mahal na pamilya. Kaya si Ina nalang ang nagligpit ng aking dadalhin: dalawang magkakasamang damit, isang kutson, at damit pangginaw. Habang nagliligpit ay sya namang pangaral ni Ina sa akin kung anong dapat kung gawin. Sinabi ko kay ina na wag nalang kaya ako tumuloy dahil walang katulong si itay sa bukid at marami pang gawain sa bahay, sabi naman nya na huwag nalang daw ako magalala sa kanila . Sa bagay na nalulungkot sila pero masaya sa kabilang banda na sa lahi namin ay sisibol ang itinakda na maging isang mandirigma, kaya dinadaan nya nalang sa pangangaral para itago ang kanyang lungkot, kahit na umiiyak na ito.
Sa tabing dagat ay nag-uusap sila Tandang Helaman at ni Itay. Nag almusal muna ako at nagpaalam na sa aking ina at mga kapatid at lumabas sa bahay na bitbit ang gamit panglakbay. Lumabas na ako ng kubo at pumunta kina itay, nakita ko rin na halos lahat ng kababaryo ko ay nag-aabang sa akin. Sabi ni Itay na magingat daw ako, mahal nya ako sila ni inay at gampanan ko ang malaki kung responsibidad. Hindi ko maintindihan ang Ibig sabihin ni itay. Hinagkan ko sila itay at inay at aking mga kapatid, nag senyas din ako ng pamamaalam sa aking ka Isla. Habang papalayu at pa sakay na sana ng bangka ay may narinig akung sumisigaw ng pangalan ko, ng tumingin ako sa likuran nakita kung tumatakbu si Sarah kababata ko, ngumiti ako sa kanya, ngunit habang tumatakbong papunta sa akin ay natisod ito at nadapa sa buhangin.
Tumakbo ako papunta sa kanya para tingnan kung ayus lang sya at tinulungan sa pagtayu. Sabi ko “kaw talaga, tingnan mo sarili mo, bak’t ba? Ano ba ang kailangan mo?” pagalit na sabi ko. “wala lang gusto ko lang ibigay sayo tung baon mo” paiyak na sabi ni Sarah habang binibigay ang nakabalot sa panyo na pabaon. Pinagalitan ko sya at tinatanong kung bakit umiiyak sya alam kung iniiyakan nya ako dahil alam naming baka hindi na kami magkikita. Para maibsan ang kalungkutang nadarama nya ay sinabihan ko syang masaya akong aalis dahil hindi ko na makikita ang kanyang pagmumukha at hindi narin ako maghihirap sa mga kapalpakan nyang ginagawa araw-araw. Pero hindi parin nya pinigilan ang pag iyak. Tinatawag na ako ni Tandang Helaman kaya, nagpaalam na ako at niyakap ko sya, sinabihan ko syang parating mag-ingat at parating samahan si ina sa kanyang kalungkutan sa pagalis ko. Tumakbo ako pabalik sa bangka na hindi lumilingon.
Hindi ako lumingon at pinipigilan ang iyak na sa aking puso, sinisisi ko si Tandang Helaman sa mga nangyari. Habang papalayo na kami sa Isla ay pumasok na kami sa hamog na pumabalibot sa isla. Tinitingnan ko ang binigay saking baon ni sarah, ng binuksan ko ang balot, namangha ako dahil ang kwentas na yon ang palawit ay isang Cristal na kinuha pa nya sa taas ng bundok ng Can-laon, namangha ako dahil dilikado ang lugar nayon kahit ako hindi pa nakakapunta doon. Sa taong magkasama kami ni Sarah ay puro mali nalang ang nakita ko sa kanya, pero ang katutuhanan ay sya ang nagbibigay lakas sa araw-araw na buhay ko, sa tuwing mahina ako, sa tuwing may sakit ako parati syang andyan mas binibigyan pa nya ng pagkakataon na matulungan ang iba kay sa sarili nya. Mas iniintindi nya ang kalagayan ko kaysa sarili nya.
Kaya tanong ko sa aking sarili ako ba yung babae? Sabi ni Tandang Helaman may pagkakataon pa akung sabihin sa kanila habang hindi pa kami nakakalayo. Tumalikod ako sa kanila ngunit hindi kona maaninag masyado ang kanilang mga mukha dahil sa hamog na pumapalibot sa Karagatan sumigaw akung “mahal ko kayung lahat Ama, ina, mga kapatid, Sarah, at mga ka Isla. Ipagdasal nyo ako. Hinihintay ko na magsalita sila ngunit wala, ilang mga sandali pa ay may narinig akung salita PAG-ASA SA ISLA NG ZARAHEMLA, pa ulit-ulit na sinasabi nila. Sumigaw ako ulit na salamat ng ilang mga besis hanggang lumayu na kami at hindi ko na marinig ang kanilang boses.
Ngumingiti akung papalayo habang umiiyak labing walong gulang ako ng mawalay sa aking pamilya. Hindi ako nagsasalita ng ilang mga oras dahil sa hindi parin ako makapaniwala na iniwan ko ang aking buhay sa Isla. Nagtanong sa akin si Tandang Helaman kung alam ko ang ibig sabihin ng balat ko sa braso, sinabi nya nayan ang simbulo nang pag-asa. Nang nagtanong ako kung anong ibig sabihin nya nang pag-asa ay sinagot nya ako na malalaman ko rin sa takdang panahon.
No comments:
Post a Comment