Bago mag bukang Liway-way halos lahat ng nasa Isla ay nasa lugar na ng paligsahan, ilang mga sandali humudyat na si tandang Helaman na simulan na ang paligsahan sa Isla ng Agush, Isla ng hangin. Lahat ng kabataang lalaki ay nagsimula ng pumunta sa gitna at nagsimulang palutangin ang bato na kasing laki ng aking kamao na inilagay sa gita na kung sino man ang makakapaglutang sa eri ay sya nyang gagawing ikalawang disipulo at lahat ng kabataang lalake at babae ay kailangan dumaan sa pagsubok.
Ngunit gamitin man nila ang kanilang buong lakas at kapangyarihan ay nahihirapan silang palutangin ang bato na parang isang bundok ang bigat nito, pero ng kanila itong hawakan ay magaan lang ang bato tulad ng isang kapirasong papil. Tinanong ko si tandang Heleman kung paano, sabi nya sa akin na sa pamamagitan ng bato malalaman nya kung sino ang itinakda dahil iilaw ito at sya lng ang makakakita, pag nalaman nya ay sya nyang pakakawalan ang kandado ng bigat ng bato at lulutang ito, ibig sabihin, ang itinakda lamang ang kayang makapagpapaangat ng bato.
Dumating na ang oras na hinihintay ko pumagitna na si Moroni, nang tingnan nya ang bato at simulang palutangin at hindi ito lumulutang. Nagtka ako dahil malaki ang aking tiwala na sya ang ikalawang itinakda na mangagagaling sa Isla ng Agush. Nang tingnan ko uli si Moroni ay nakita ko na parang may kinakausap sya na katabi. At nang tiningnan nya uli ang bato ay lumutang ito at sabi ko sa aking sarili na sya nga ang itinakda at hindi ako nagkakamali.
Sabi sa akin ni Tandang Helaman na mayroong mali. Nung una daw ay hindi nya naramdaman na si Moroni ang itinakda ngunit biglang nag iba ang kapangyarihan pagkatapos ng ikalawang subok at lumiwanag ang bato.
Sa kabilang banda tuwang-tuwa naman ang mga magulang at ka Isla na may roong itinakda sa kanilang Isla. Pinuntahan sya ni tandang Helaman at nagsabi na kaming tatlo ay mag-uusap. Nagtinginan kami ni Moroni at sumunod kay tandang Helaman sa taas ng burol sa di kalayuan sa mga tao. Sinabi ni tandang Helaman kay Moroni na alam nya kung ano ang nais na itatanong sa kanya. Kaya nagtapat na si Moroni, dahil sa kanyang kapatid kaya nya nagawa na palutangin ang bato.
Bulong ko saking sarili na paano magkakaroon ng kapatid si moroni dahil mag-isa lamang sya sa gitna kanina. Sinabi nya na ang kanyang kapatid ay namatay ng nakaraang taon dahil sa malubhang karamdaman at sabi ng kanyang kapatid na darating ang araw na si Moroni daw ang papalit sa kanya bilang itinakda. Ang kanyang kapatid ay mayroon lunar sa likuran. Simbulo ng hangin, Nanindig ang aking balahibo nang narinig ko na may kapatid pala si Moroni na multo, kaya tinanong ko sya kung nandito ba ang kanyang kapatid ngayun sabi naman nya ay oo, at subra na akong natakot, nagtanong ako na nanginginig ang boses habang nilalamig ang buo kung katawan. Tanong ko kay Moroni kung nasaan sya banda. Sabi ni Moroni ay nasa kanan ko.
Nang tumingin ako ng dahan-dahan sa aking kanan ay nakita ko ang mukha ng babae. Isa syang magandang multo, ngunit huli na ang lahat dahil umihi na ako sa aking pantaloon dahil sa takot. Nagsalita sya na, kumusta daw at tinanong ako kung natakot ako. Sabi ko naman na hindi, dahil sanay ako sa mga multo, maraming multo sa Isla namin at nagmayabang na sa katunayan na naglalaro pa sa kanila. Tinanong nya ako kung bakit basa ang aking pantaloon. Sagot ko namanna siguro may na upoan lng na basa.
Ngumiti sya at nagpakilala na ang pangalan nya ay Leah at nagagalak nya akung makilala at masaya sya dahil sa aking katapangan. Ngumiti ako sa aking narinig ngunit ng tumingin ako sa mga mata ni tandang Helaman ay tumahimik na ako.
Sabi sa amin ni Leah na kung tatanggapin ni tandang Helaman si Moroni bilang estudyante nya ay isasalin nya ang itinakdang karapatan kay Moroni, nung una ay hindi pumayag si tandang Helaman at sabi naman ni Leah na hindi sya makakapunta sa mundo ng paraiso kung hindi nya maiibigay ang karapatang na yun kay Moroni at hindi maikasatuparan ang Propesya.
Sabi sa amin ni tandang Helaman na maari lamang na mangyari ang pagsasalin kung kakausapin namin ang mga ninunu ng isla ng Agosh at hihingin ang kanilang pahintulot. Sabi naman namin kung paano mangyayari dahil matagal nang namatay ang mga Ninuno nila. Sabi naman ni Tandang Helaman na dapat kaming pumunta sa ipinagbabawal na lugar sa kasunod na lumulutang na isla para kausapin ang ang mga Espirito ng mga ninunu nila ni Moroni at gawin ang serimonya ng pagsalin ng karapatan ng Itinakda.
Dugtong pa ni tandang Helamani na dapat makakabalik kami sa itinakdang oras bago lumubog ang araw kinabukasan, kung hindi, hihinto ang mission at malalagay sa kapahamakan ang lahat. Sumangayun naman si Moroni at ang kanyang kapatid, nagprisinta akung sumama sa kanila ngunit nagpaiwan si tandang Helaman dahil may batas silang mga NINUNO na hindi sila pweding magkita hanggang hindi dumarating ang itinakdang panahon. Hindi na kami nagsayang pa ng oras at nagsimula nang maglakbay patungo sa ikalawang bundok na lumulutang para gumawa ng kasunduan sa mga espiritong ninuno nila Moroni at Leah. Naglakbay kami ng ilang mga oras hanggang makarating kami sa hangganan at gabi na. Nakita ko ang daan papunta sa kabila, isang burol na ang taas ay apat na palapag na lumulutang na ang daanan lamang ang nagdudugtung sa aming kinatatayuan, nagpahinga muna kami ng gabing yun.
No comments:
Post a Comment