________________________________________________________________________________
Pagmalapit na ang paglubog ng araw ay pumupunta kami ng mga kapatid ko sa burol para magpasalamat sa Dios sa mga biyayang ibinigay nya sa aming pamilya at ka isla, sariwang hangin, at masaganang ani.
Isang malamig na hapon, nang nakaupo kami ng mga kapatid ko sa kubo kasama si itay, nagpapahinga galling sa pagsasaka ay nagkwento si Itay tungkol sa aming mga ninuno nuong unang panahon na nanirahan sa mga mysteryusong mga pulo at isla na kung tawagin ay mundo, sabi sa kwento na sinakop ng kampon ni Coriantumr isang kampon ng kadiliman na gumagawa ng lihim na kumbinasyon, kahindik hindik ang sinapit ng pagsakop, sinabi sa kwento na ang sino mang hindi sumunod kay Coriantumr ay kanilang pinapahirapan bago patayin. Kailangan na sambahin nila ang mga diyos-diosan, Maraming namatay na mga mananampalataya sa Dios at hindi sumunod kay Coriantumr.
Ang labi ng mga tao ay itinatapon sa kalye kaya nangagamuy agnas ng katawan ng tao ang lungsod at maraming nagkakasakit na mga buhay maliban sa mga halimaw na kinakain ang mga labi ng mga tao. Sabi ni itay ang iba ay nagtatago sa mga bundok para hindi matuntun ng mga kaaway, na naghihintay na isang araw may magliligtas sa kanila. Ang mga grupo naman na naglakbay sa dalampasigan ay aming mga ninuno, na syang nakarating sa islang ito. Buhat noon ay hindi na silang nagtangkang bumalik at namuhay ng mapayapa sa isla namin. Ngunit sa taon daw na ito ay ang simula ng pagbabago.
Pagkatapos magkwento ni Itay ay tinanong nya ako kung naniniwala ako sa kanyang kwento, ngumiti nalang ako at sinabihan sya na hindi. Sabi naman ni itay darating ang araw na maiintindihan ko rin ang ibig nyang sabihin.
Sa isla namin ang aming kinabubuhay ay pangingisda, pagsasaka, pag aalaga ng mga hayop, at iba pang gawaing bukid. Malayo kami sa sibilisasyon, hindi ko nga alam ang ibig sabihin ni itay na cellphone at TV, sakin kathang isip lamang, kwentong baryo ika nga. Dito sa isla ang karamitang libangan ng mga tao ay palakasan, dahil sa aming Isla ay tinatawag kaming pinakamalakas sa buong isla sabi ni tandang Helaman, isa syang ermetanyo sabi ni Itay, namumuhay sya sa paglalakbay sa ibat-ibang mga Isla. Ginagawa nya ang pagsusulat sa mga lami ng tanso bilang talaan ng kasaysayan ng aming mga ninuno, mahiwaga si tandang Helaman, sabi pa sa kwento na sya lang ang nakakaalam nang mga lagusan at makakapasok dito sa ibat ibang mga Isla. Sabi pa na nakarating na sya sa pinagbabawal na lungsod ang Lungsod ng Irreantum. Halos lahat kami ay hindi pa alam ang pinanggalingan at tunay na pagkatao ni Tandang Helaman. Ang nalalaman lang namin ay matalino sya at mahiwaga.
Bawat isang buwan sa isang taon, ay may tinatawag kaming pyesta ng pagkakalaya, ito daw ang araw na dumating ang mga ninunu namin sa islang ito. At inaasahan na darating si tandang Helaman. Habang nagkakasiyahan ang lahat ay dumating nga si Tandang Helaman at nakisalo sa kasiyahan. Sa tuwing pyesta lamang pumupunta si tandang Helaman sa aming Isla. Sa gitna ng kasiyahan ay inaabangan ng lahat ang sasabihin ni Tandang Helaman. Nang dumating na ang oras na magsasalita na si Tandang Helaman ay nagsitahimik ang lahat. Umakyat si Tandang Helaman sa maliit na burol para marinig ng lahat ang kanyang sasabihin, umupo sya sa silyang gawa sa kawayan at nagwika
“mga kapatid, nagpapasalamat ako sa araw na ito, isa na namang taong ibinigay sa atin ng Lumikha na tayo ay nabubuhay nang mapayapa, nagkaroon ng masaganang ani, sa buhay na ibinigay sa atin, at higit sa lahat pamilya namayroon tayo. Ito rin ang araw na nakarating ang mga ninunu natin sa Isla ng Zarahemla Isla ng pag-asa. Sa panahong ito gusto kung ipaalam sa lahat na ang taong aking hinihintay ay dumating na. Ang araw nang paghahanap sa mga itinakda. Itinakda na syang magliligtas sa mga kapatid natin na naniniwala sa Dios na naiwan sa Irreantum. Para malaman ang isang itinakda ay magkakaroon ng pagsubok, sa lahat ng kabataang lalaki at babae. Bukas sa bukang liwayway ay magsisimula ang pagsubok. Kaya ang lahat ng mga kabataang lalake at babae ay mag handa.” sabi ni Tandang Helaman.
Pagkatapus na magsalita ni Tandang Helaman ang lahat ay namangha, pati si Itay at Inay. Pero hindi ako, hindi ako naniniwala sa mga kwento nya, walang Irreantum at pagsasayang lamang ng panahon ang gagawin nila, para sa akin kalukuhan lang ang pagsubok na gagawin kaya pinag isip-isip ko na mas mabuti pang umakyat na lamang sa bundok at magpalipad ng saranggola.
Kinagabihan habang kumakain kami sa hapag-kainan, ay nagtanong si Ina kung sabik daw ako para sa gagawing pagsubok para bukas. Sabi ko naman ay wala akung gana at magkakasakit ako bukas. Pinagtawanan naman ako ni bunsoy at sinabing nababakla lang siguro ako. Sabi ni itay bakit hindi ko daw subukan. Sabi ko naman sa kanila na halos lahat sa Isla ay malalakas maliban nalang sa akin, sabi ko pa sa kanila na siguro malas ako dahil pinanganak akung may balat sa kamay. Sabi ni itay na ako daw ay isang regalo mula sa Dios. Dugtong pa ni inay
“Alam mo, Abraham wala na kaming masasabi sayo, mabait ka masipag, magalang, matulungin kaya kung ano man ang maging desisyon mo bukas ay sya naming igagalang.”
Nagbiruan nga kami bakit hindi binanggit ni ina ang salitang gwapo. Pagkatapus kumain ay tinulungan ko si ina sa pagliligpit at tumambay muna ako sa labas ng bahay para magpahangin, kahit na sinabi nila inay at itay yun ay di parin mawala sa aking isipan na iba ako sa nakakarami.
Dumating ang bukang liwayway, ako naman tanghali na gumising at tinutuo ang aking pagkukunwari na may sakit. Pumunta ako sa bundok para magpalipad ng saranggola ngunit inakala kung madami ang pupunta pero lahat pala ay pumunta sa paligsahan maliban sakin. Kaya nagpasya nalang ako na bumaba at makinood sa paligsahan, dumating ako sa lugar nang pagtitipun hapon na. Nanood ako sa kanilang paligsahan, nagtanong ako sa kakilala namin kung ano ang ginagawa ng bato na kasing laki nang aking kamao sa gitna. Sabi naman nya na kung sino man ang makakapagpalutang ng bato ay sya nyang gagawing disipulo.
Sa Isla kung saan kami naninirahan ay may mahika at kapangyarihan na hindi maipaliwanag. Kaya napag-isip ko na kaya ginawa ni tandang Helaman ang paligsahan para malaman kung sino ang may potential na kakayahan. Nakita ko na maraming paulit-ulit na sumubok na paangatin ang bato, ang iba napagalaw nila pero di napaangat, namangha ako sa kakayahan nila. Pero hindi parin nakapasa sa pagsubok ni tandang Helaman, lahat ay bigo at sumuko. Bulong ko sa aking sarili na mabuti nalang na hindi ako sumali dahil sila nga na may pambihirang kakayahan ay bigo ako pa na isang ordinaryung binata lamang sa aming isla, siguradong pagtatawanan lamang ako.
Ngunit nagtaka kaming lahat bakit hindi pa pinapaalis ni tandang Helaman ang mga tao, nagtaka ako kung ano ang hinihintay nya. May nagtanong kung bakit hindi pa nya pinapaalis kaming taga baryo. Ngunit ang sabi ni tandang Helaman na may isa pang hindi pumupunta sa gitna, hindi dumadaan sa pagsubok. Ang unang pumasok sa isip ko ay sumibat sa karamihan bago pa malaman na ako pa ang hindi nakakadaan sa pagsubok, nagtanong ako sa aking sarili kung paano nya nalaman. Ang ginawa ko ay tumalikod ako, dahan-dahang papalayo para hindi mapansin. Biglang sinabi ni Tandang Helaman “saan ka pupunta?” sabi ko naman, hindi ako yung tinutukoy nya. Pinagpatuloy ko ang paglalalakad at biglang tumakbo ng mabilis ngunit ako’y nabunggo sa isang tao. Nang tumingin ako kung sinong pakialamiro, Si tandang Helaman ang nakabunggo ko, sabi ko sa sarili kung pano nya ginawa yun? Subrang bilis nya para makarating agad sa kinaruruunn ko. Tinanong ko sya kung bakit at bigla syang humarap malapit sa mukha ko at nagsabi “ikaw pa ang hindi nakadaan sa pagsubok”. Sabi ko naman na hindi ako kasali, pinapili ako ni Tandang Helaman subukan ko o ipapakain nya ako sa mga pating.
Wala na akong ibang pagpipilian, pero nasa isip ko na ayus lang kasi imposibli na magagalaw ko ang bato at mapapaangat. Pumunta ako sa gitna at biglang tumahimik ang lahat, nakita ko sina ama at ina na pinagsisigawan ung pangalan ko at pinagmamalaki nila na ako ay kanilang anak. Ganon din ang mga kapatid ko. Subrang hiya ko sa mga oras nayon, tumingin ako sa bato na pinipigilan ang aking kahihiyan, pagkalipas ng ilang mga sandali ay walang nangyari kaya tumingin ako salikuran kay tandang Helaman at nagsabi na “o ayan Tandang Helaman nakita mona walang nangyari, siguro makakauwi na ako” at nakita ko ang mga ka baryo ko na lumaki ang kanilang mga mata at namangha, tumigil ang orasan..biglang tumibok ang puso ko ng mabilis, na sana mali ang hinala ko. Dahan-dahan akung tumingin kung saan naroroon ang bato, ng tiningnan ko yung bato ay wala na sa kinaruruunan nito, lumulutang na sa iri. Pumalakpak ang mga tao at ako’y hinimatay. Pumasok sa isip ko “o hindi! ibig sabihin kailangan kung sumama sa matandang ito at iiwan ang mapayapa kung buhay? Nako po maging ermetanyo rin?”
Dito magsisimula ang kwento ng buhay ko. Ako si Abraham Covenant isang Celestial Warrior.
Sa tabing dagat ay nag-uusap sila Tandang Helaman at ni Itay. Nag almusal muna ako at nagpaalam na sa aking ina at mga kapatid at lumabas sa bahay na bitbit ang gamit panglakbay. Lumabas na ako ng kubo at pumunta kina itay, nakita ko rin na halos lahat ng kababaryo ko ay nag-aabang sa akin. Sabi ni Itay na magingat daw ako, mahal nya ako sila ni inay at gampanan ko ang malaki kung responsibidad. Hindi ko maintindihan ang Ibig sabihin ni itay. Hinagkan ko sila itay at inay at aking mga kapatid, nag senyas din ako ng pamamaalam sa aking ka Isla. Habang papalayu at pa sakay na sana ng bangka ay may narinig akung sumisigaw ng pangalan ko, ng tumingin ako sa likuran nakita kung tumatakbu si Sarah kababata ko, ngumiti ako sa kanya, ngunit habang tumatakbong papunta sa akin ay natisod ito at nadapa sa buhangin.
Tumakbo ako papunta sa kanya para tingnan kung ayus lang sya at tinulungan sa pagtayu. Sabi ko “kaw talaga, tingnan mo sarili mo, bak’t ba? Ano ba ang kailangan mo?” pagalit na sabi ko. “wala lang gusto ko lang ibigay sayo tung baon mo” paiyak na sabi ni Sarah habang binibigay ang nakabalot sa panyo na pabaon. Pinagalitan ko sya at tinatanong kung bakit umiiyak sya alam kung iniiyakan nya ako dahil alam naming baka hindi na kami magkikita. Para maibsan ang kalungkutang nadarama nya ay sinabihan ko syang masaya akong aalis dahil hindi ko na makikita ang kanyang pagmumukha at hindi narin ako maghihirap sa mga kapalpakan nyang ginagawa araw-araw. Pero hindi parin nya pinigilan ang pag iyak. Tinatawag na ako ni Tandang Helaman kaya, nagpaalam na ako at niyakap ko sya, sinabihan ko syang parating mag-ingat at parating samahan si ina sa kanyang kalungkutan sa pagalis ko. Tumakbo ako pabalik sa bangka na hindi lumilingon.
Hindi ako lumingon at pinipigilan ang iyak na sa aking puso, sinisisi ko si Tandang Helaman sa mga nangyari. Habang papalayo na kami sa Isla ay pumasok na kami sa hamog na pumabalibot sa isla. Tinitingnan ko ang binigay saking baon ni sarah, ng binuksan ko ang balot, namangha ako dahil ang kwentas na yon ang palawit ay isang Cristal na kinuha pa nya sa taas ng bundok ng Can-laon, namangha ako dahil dilikado ang lugar nayon kahit ako hindi pa nakakapunta doon. Sa taong magkasama kami ni Sarah ay puro mali nalang ang nakita ko sa kanya, pero ang katutuhanan ay sya ang nagbibigay lakas sa araw-araw na buhay ko, sa tuwing mahina ako, sa tuwing may sakit ako parati syang andyan mas binibigyan pa nya ng pagkakataon na matulungan ang iba kay sa sarili nya. Mas iniintindi nya ang kalagayan ko kaysa sarili nya.
Kaya tanong ko sa aking sarili ako ba yung babae? Sabi ni Tandang Helaman may pagkakataon pa akung sabihin sa kanila habang hindi pa kami nakakalayo. Tumalikod ako sa kanila ngunit hindi kona maaninag masyado ang kanilang mga mukha dahil sa hamog na pumapalibot sa Karagatan sumigaw akung “mahal ko kayung lahat Ama, ina, mga kapatid, Sarah, at mga ka Isla. Ipagdasal nyo ako. Hinihintay ko na magsalita sila ngunit wala, ilang mga sandali pa ay may narinig akung salita PAG-ASA SA ISLA NG ZARAHEMLA, pa ulit-ulit na sinasabi nila. Sumigaw ako ulit na salamat ng ilang mga besis hanggang lumayu na kami at hindi ko na marinig ang kanilang boses.
Ngumingiti akung papalayo habang umiiyak labing walong gulang ako ng mawalay sa aking pamilya. Hindi ako nagsasalita ng ilang mga oras dahil sa hindi parin ako makapaniwala na iniwan ko ang aking buhay sa Isla. Nagtanong sa akin si Tandang Helaman kung alam ko ang ibig sabihin ng balat ko sa braso, sinabi nya nayan ang simbulo nang pag-asa. Nang nagtanong ako kung anong ibig sabihin nya nang pag-asa ay sinagot nya ako na malalaman ko rin sa takdang panahon.
Naglakad kami ni Tandang Helaman paakyat sa gubat, nagpahinga at nanguha ng mga prutas. Ibang klase talaga si tandang Helaman, napipitas nya ang mga prutas na hindi ginagamit ang kamay nya, gamit lang ung pagiisip nya. Nagtanong ako sa kanya kung kagagawan nya ang paglutang ng bato at hindi ako. Sinabi nya sa akin na kahit malaman ko man o hindi wala na akong magagawa dahil ako ang itinakda. Tinanong ko sya uli kung bakit nga ako pinili na maging estudyante nya at hindi yung mga malalakas sa aming Isla.
Ang sabi nya ang marka sa aking braso ang simbulo na ako ang unang itinakda. Tinanong ko sya kung ano ang ibig sabihin ng lunar sa aking braso, sabi naman ni tandang Helaman nayan ang simbulo ng pag-asa.
Pagkatapos kumain at magpahinga nagsabi syang pumasok na, at ang nakita ko lang na papasukan ay ang kweba sa harap namin. Bumulung-bulong ako sa aking sarili kung nababaliw na ba ang matandang ito, at biglang binatukan nya ako ng kanyang sungkod at sinabi “ito ang unang leksyon na kailangan mung matutunan, kailangan kang magkaroon ng Pananampalataya”. Bulong ko sa aking sarili kung anong ibig sabihin nang pananampalataya/pag-asa? Sabi ni Tandang Helaman, na ang pananampalataya ay paniniwala sa isang bagay na hindi mo nakikita ngunit totoo. Tulad daw ng isang hangin na hindi nakikita ngunit nararamdaman natin.
Pagkatapos ipaliwanag ni Tandang Helaman sa akin ang tungkol sa pananampalataya, naapag-alaman ko na hindi ako nagsasalita sa bibig kundi sa isip. Tumingin ako sa kanya at nagtanong kung paano nya nababasa ang isip ko at makipag kumunikasyon gamit ang isip. “Yun ang ituturo ko sayo” sabi ni Tandang Helaman. Sabi pa nya sa akin ang sinasabi ko lang ang nababasa nya hindi ang mga litrato na iniisip ko sa utak. Ibang klase talaga sya. Pumasok na kami sa madilim nakuweba, habang naglalakad nakita ko na ang dulo ng kanyang sungkod ay umilaw para makita namin ang aming dinadaanan. Habang naglalakad ay nagtanong ako sa kanya kung tama yung narinig ko sa aming Isla na subrang tanda nya na, kasi kung titingnan ko si tandang Helaman ay mga nasa limang po na ang kanyang edad. Sabi nya kasama sya ng mga tinatawag naming mga NINUNU ng unang dumating sa Isla namin, at napag-isip ako na mga mahigit isang melinyo na o isang libong taon na ang kanyang edad.
Nang makalabas kami ay di ko namalayan na hanganan na pala yun ng lupa at nahulog na ako, mabuti nalang nahawakan ni Tandang Helaman ang kunop na nakasabit sa aking liig, at hinila ako paakyat. Mabilis ang pintig ng aking puso na inakala kung katapusan ko na sa mga oras na iyon, nakatungtung kami sa lumulutang na bundok. Sinabihan ako ni Tandang Helaman na kailangan din na Tingnan ko ang aking dinadaanan at hindi padalos-dalos sa mga disisyon na aking gagawin para hindi mapahamak tulad nang nangyari sa akin.
Nagpasalamat ako sa kanya. Nakita ko ang lugar at ako’y namangha nang lubusan, parang sa kwento ni Itay na avatar. Nahulog ako dahil lumulutang lang ang mga bundok sa himpapawid. Ang daan ay sa gilid at hindi tuwid. Sinabihan ako ni Tandang Helaman na maglakad na nakatagilid na ang aking katawan ay isandal ko sa bundok, at wag akung titingin sa baba, para makasigurado ay hinahawakan nya ang aking kunop sa liig. Naghahalong kaba, at parang hindi na ako makahinga sa takot nabaka mahuhulog, nahirapan akung maglakad dahil sa panginginig ng aking buong katawan. Nang makarating kami sa taas ay hinimatay ako sa takot. Nang makagising na ako nakita ko ang maraming tao na naghihintay kay Tandang Helaman.
Piesta sa kanilang Isla at kumain ako ng maraing pagkain. At napag-alaman ko na kakaiba ang kanilang pagkain. Hindi sila kumakain ng karne, puro gulay , prutas, tinapay, at iba pa maliban sa karne. Dumating na ang oras na mag bibigay na naman si tandang Helaman ng talumpati katulad ng sinabi nya sa Isla namin, Habang kumakain na ay nilapitan ako ng limang binatang lalaki na sa subrang bilis nila ay hindi ko namalayan na nasa tabi kona sila.
Tinanong nila ako kung ako ang estudyante ni Tandang Helaman at sinabi ko sa kanila na ako. Dahil napagalaman nila na ako ang unang estudyante ni Tandang Helaman ay inakala nila na isa akung malakas na nilalang na may kakaibang katangi-an at kapangyarihan. Gusto nilang subukan ang aking kakakayahan kaya ang ginawa nila ay sinabihan nila akung labanan sila, ngunit tumang-gi ako dahil alam kung wala akung laban sa kanila. Kaya nilang kuntrolin ang Elmento ng hangin. Dahil sa ilang ulit akung nagsabi sa kanila na hindi ako suma sang-ayun sa kanilang plano at nakatahimik lamang habang kinukutya na nila ako. Nagsimula akung tumayo at umalis sa kanila para makaiwas sa gulo, ngunit nang nakita nila ang kwentas na nakasabit sa aking liig. Tinanong nila ako kung sa akin ang kwentas na hinawakan ng kanilang kaibigan, nagtaka ako kung pano napunta sa kanila ang kwentas sa subrang bilis ay hindi ko nakita. Tumakbo sila papalayo at kinantyawan akung habulin sila.
Nagsabi sila sa akin na kung ako ang unang itinakda ay patunayan ko sa kanila at magpakitang gilas. Hinabol ko sila para kunin ang kwentas nang makarating ako sa isang bakanting espasyo ay pinalibutan at pinagbabatok, pinagpasa-pasahan din nila ang kwentas. Hanggang napagod ako sa pagahahabol. Sabi nila na nagbibiro daw ako bakit hindi ko pa pinapakita ang aking lakas.Nagsimula ang isa sa pagsuntok sa akin pero nagtaka sya na hindi ako lumalaban, kaya inakala nilang lahat na nagbibiro ako, isa isa silang lumapit at sumuntok sa akin habang nagtatawanan hindi ko sila makita dahil sa subrang bilis nila ang tanging naramdaman ko ay ang sakit ng bawat tama ng kanilang kamao sa aking katawan.
Nagsasalita sila na tama na ang aking pagbibiro at seriousohin ko na ang laban, kung ako daw ang pinili. Sabi ko naman sa kanila na wala akung kakayahan nakiusap ako ng awa na ibigay nila ang kwentas sa akin. Dumidilim na ang aking mga paningin na parang napag-isip ko na baka katapusan kona, ngunit sa kanila ay isang biro at pagpapanggap lang ang aking ginagawa. Sa kawalan ng pag-asa ay dumating ang isang kaidad ko na ka isla nila at nagsabing tumigil na sila. Sabi ng lima na wag daw syang makialam sa kaguluhan. Kumuha sya ng kapirasong papel sa kanyang bulsa at nakita ko habang hinahawakan nya ang papel ay nagliyab ito pero hindi nasusunog ang papel. Biglang dumating si Tandang Helaman at inawat kami, kinuha ko ang kwentas na bigay sa akin ni Sarah. Doon ko nakilala si Moroni, ang nagligtas sa akin sa gabing yun kakaiba ang kapangyarihan ni Moroni. Tinulungan ako ni Moroni na maglakad papuntang bahay nila. At pinahiga sa kama, nakita ni tandang Helaman na hindi maganda ang kalagayan ko kaya hinubad nya ang aking pantaas na damit at nang hinipo nya ang aking tigiliran na pagalaman nya na may ilang buto ang nabali sa dibdib at aking tagiliran. Sabi nya na mapalad ako dahil nabuhay pa ako, kumuha sya ng piraso ng damit at nilagay sa akin bibig at sinabihan akung kagatin.
Ipinatong ni Tandang Helaman ang kanyang mga kamay sa aking dibdib at nakita ko na may liwanag na lumalabas sa kanyang mga kamay naramdaman ko na nag-init ang aking katawan at biglang gumalaw ang mga buto ko na nabali at parang humahanay ito sa kanyang posisyon pero di ko mapigilan na sumigaw dahil sa sakit. Nawalan ako ng malay ng gabing ginagamot ako ni Tandang Helaman. Kinaumagahan, sa pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko ang limang kabataang lalake na kasing edad ko lamang na sa aking harapan, sabi ng ama ni moroni kung sila ang aking nakita dahil pag sinabi kung sila ay papatungan sila ng hatol ng kamatayan at bibitayin sa harap ng mamamayan ng Agosh.
Nakita ko na ang iba sa kanila ay umiiyak sa takot, sinabihan ko ang ama ni Moroni na hindi ko kilala ang mga taong iyan dahil sa gabi at di ko maaninag ang kanilang mga mukha, dugtong ko pa na hindi sila ang mga taong gumulpi sa akin ng gabing yun. Habang nagsasalita ako ay nakita kung tumutingin sila sa akin na nagulat dahil inakala nila dahil sa ginawa nila sa akin ay sasabihin ko sa ama ni Moroni na sila yung mga taong gumulpi sa akin ng gabing yun, at malalagay sila sa hatol ng kamatayan ng Isla nila.
Sinabihan ako ng ama ni moroni kung sigurado ako sa aking sinasabi at sinabi kung sapat na ang sinabi ko at kailangan ko nang magpahinga. Sabi sakin ng ama ni Moroni na kanyang niririspito ang aking sinabi at aalis na sila, sabi ng lima kung pwede daw nila akung makausap at hiningi ang permiso ko. Sumangayun ako at nanatili sila sa loob ng silid. Lumuhod sila sa akin at nagpasalamat, humingi ng patawad. Nakita ko ang kanilang pagsisisi at sinabihan silang sa susunod wag nilang daanin sa biru-an ang lahat. Sabi nila na balang araw ay papalitan nila ang kabutihang ginawa ko sa kaila na utang nila ang buhay nila sa akin. Nag-usap kami sa silid at nagkwentuhan.
Kinagabihan ay kinamusta ako ni Moroni, tinanong ko sya tungkol sa kanyang kapangyarihan at ang sabi nya sa akin na nang bata pa sya ay napagalaman nya na may roon syang ganong kapangyarihan ng pinagalitan sya ng kanyang ama, nagalit sya at pumunta sa tabing ilog, kumuha ng bato at itinapon sa ilog at sumabog ito.sabi pa nya na hindi nya kayang kuntrolin ang elemento ng hangin ngunit lahat ng mahahawakan nya ay pwedi nyang gawing pasabok pag itoy kanyang binitawan.
Mabilis ang aking pag galling isa- dalawang araw lang ay humilom at bumalik na sa kundisyon ang aking katawan, sa buong buhay ko ang alam ko lang na hindi ako nagkakasakit. Nang naghilum at gumaling ako ng dalawang araw ay napag-alaman ko na mayroon akung kakayahan na hilumin ang aking mga sugat kaya pala hindi ako namatay ng gabing ginulpi ako at nabali ang maraming buto sa aking katawan.
Pinakilala ako ni Moroni sa kanyang pamilya, at nag-alok na doon kami manatili hanggang matapos ang paligsahan, pumayag naman si Tandang Helaman.
Dumating ang araw ng paligsahan madami ang dumalo, pinakilala ako ni Tandang Helamansa lahat na ako ang unang estudyante nya na nanggaling sa Isla ng Zarahemla, Isla ng pag-asa. Namangha ang lahat dahil akala nila na kathang-isip lang ang islang yun. Nakita ko rin ang kadalagahan sa lugar nila na tinitingnan ako na ngumingiti, nang itaas ko ang aking kamay para kumaway ay binatukan ako ni Tandang Helaman at nagsabing alam nya ang aking iniisip, napahiya tuloy ako sa aking sarili.
Ngunit gamitin man nila ang kanilang buong lakas at kapangyarihan ay nahihirapan silang palutangin ang bato na parang isang bundok ang bigat nito, pero ng kanila itong hawakan ay magaan lang ang bato tulad ng isang kapirasong papil. Tinanong ko si tandang Heleman kung paano, sabi nya sa akin na sa pamamagitan ng bato malalaman nya kung sino ang itinakda dahil iilaw ito at sya lng ang makakakita, pag nalaman nya ay sya nyang pakakawalan ang kandado ng bigat ng bato at lulutang ito, ibig sabihin, ang itinakda lamang ang kayang makapagpapaangat ng bato.
Dumating na ang oras na hinihintay ko pumagitna na si Moroni, nang tingnan nya ang bato at simulang palutangin at hindi ito lumulutang. Nagtka ako dahil malaki ang aking tiwala na sya ang ikalawang itinakda na mangagagaling sa Isla ng Agush. Nang tingnan ko uli si Moroni ay nakita ko na parang may kinakausap sya na katabi. At nang tiningnan nya uli ang bato ay lumutang ito at sabi ko sa aking sarili na sya nga ang itinakda at hindi ako nagkakamali.
Sabi sa akin ni Tandang Helaman na mayroong mali. Nung una daw ay hindi nya naramdaman na si Moroni ang itinakda ngunit biglang nag iba ang kapangyarihan pagkatapos ng ikalawang subok at lumiwanag ang bato.
Sa kabilang banda tuwang-tuwa naman ang mga magulang at ka Isla na may roong itinakda sa kanilang Isla. Pinuntahan sya ni tandang Helaman at nagsabi na kaming tatlo ay mag-uusap. Nagtinginan kami ni Moroni at sumunod kay tandang Helaman sa taas ng burol sa di kalayuan sa mga tao. Sinabi ni tandang Helaman kay Moroni na alam nya kung ano ang nais na itatanong sa kanya. Kaya nagtapat na si Moroni, dahil sa kanyang kapatid kaya nya nagawa na palutangin ang bato.
Bulong ko saking sarili na paano magkakaroon ng kapatid si moroni dahil mag-isa lamang sya sa gitna kanina. Sinabi nya na ang kanyang kapatid ay namatay ng nakaraang taon dahil sa malubhang karamdaman at sabi ng kanyang kapatid na darating ang araw na si Moroni daw ang papalit sa kanya bilang itinakda. Ang kanyang kapatid ay mayroon lunar sa likuran. Simbulo ng hangin, Nanindig ang aking balahibo nang narinig ko na may kapatid pala si Moroni na multo, kaya tinanong ko sya kung nandito ba ang kanyang kapatid ngayun sabi naman nya ay oo, at subra na akong natakot, nagtanong ako na nanginginig ang boses habang nilalamig ang buo kung katawan. Tanong ko kay Moroni kung nasaan sya banda. Sabi ni Moroni ay nasa kanan ko.
Nang tumingin ako ng dahan-dahan sa aking kanan ay nakita ko ang mukha ng babae. Isa syang magandang multo, ngunit huli na ang lahat dahil umihi na ako sa aking pantaloon dahil sa takot. Nagsalita sya na, kumusta daw at tinanong ako kung natakot ako. Sabi ko naman na hindi, dahil sanay ako sa mga multo, maraming multo sa Isla namin at nagmayabang na sa katunayan na naglalaro pa sa kanila. Tinanong nya ako kung bakit basa ang aking pantaloon. Sagot ko namanna siguro may na upoan lng na basa.
Ngumiti sya at nagpakilala na ang pangalan nya ay Leah at nagagalak nya akung makilala at masaya sya dahil sa aking katapangan. Ngumiti ako sa aking narinig ngunit ng tumingin ako sa mga mata ni tandang Helaman ay tumahimik na ako.
Sabi sa amin ni Leah na kung tatanggapin ni tandang Helaman si Moroni bilang estudyante nya ay isasalin nya ang itinakdang karapatan kay Moroni, nung una ay hindi pumayag si tandang Helaman at sabi naman ni Leah na hindi sya makakapunta sa mundo ng paraiso kung hindi nya maiibigay ang karapatang na yun kay Moroni at hindi maikasatuparan ang Propesya.
Sabi sa amin ni tandang Helaman na maari lamang na mangyari ang pagsasalin kung kakausapin namin ang mga ninunu ng isla ng Agosh at hihingin ang kanilang pahintulot. Sabi naman namin kung paano mangyayari dahil matagal nang namatay ang mga Ninuno nila. Sabi naman ni Tandang Helaman na dapat kaming pumunta sa ipinagbabawal na lugar sa kasunod na lumulutang na isla para kausapin ang ang mga Espirito ng mga ninunu nila ni Moroni at gawin ang serimonya ng pagsalin ng karapatan ng Itinakda.
Dugtong pa ni tandang Helamani na dapat makakabalik kami sa itinakdang oras bago lumubog ang araw kinabukasan, kung hindi, hihinto ang mission at malalagay sa kapahamakan ang lahat. Sumangayun naman si Moroni at ang kanyang kapatid, nagprisinta akung sumama sa kanila ngunit nagpaiwan si tandang Helaman dahil may batas silang mga NINUNO na hindi sila pweding magkita hanggang hindi dumarating ang itinakdang panahon. Hindi na kami nagsayang pa ng oras at nagsimula nang maglakbay patungo sa ikalawang bundok na lumulutang para gumawa ng kasunduan sa mga espiritong ninuno nila Moroni at Leah. Naglakbay kami ng ilang mga oras hanggang makarating kami sa hangganan at gabi na. Nakita ko ang daan papunta sa kabila, isang burol na ang taas ay apat na palapag na lumulutang na ang daanan lamang ang nagdudugtung sa aming kinatatayuan, nagpahinga muna kami ng gabing yun.
Nang paalis na sila ay naramdaman at narinig ko na may gumagalaw sa damuhan naparang may nagmamatyag sa amin. Sabi ko kay Moroni kung narinig nya ang narinig ko at sabi nya baka mga kaluluwa ng ninunu., Nang narinig ko ang salitang yun di nako nag atubili at tumakbo akung tumuwid sa maliit na daan papunta sa kabilang maliit na burol. Nasa isip ko na mabuti nalang at nakatagbo ako palayo kaagad at hindi nahabol ng multo, ngunit hindi ko namalayan na tumawid ako sa maliit na daan na hindi inaantala ang takot ko na mahulog. Narinig ko na sabi ni Moroni sa kabila na maliit na aso ang nakita nilang lumabas. Nagtaka sila bakit nakapunta na ako agad sa kinatatayuan ko at sabi ko daw magbabantay ako sa daanan, sabi ko naman na sinisigurado ko lang na walang patibung na nakalagay sa daan, ngunit bulong ko naman sa aking sarili pano ako makakatawid pabalik dahil takot ako sa matataas.
Nang makatawid na sila sa daan ay pumasok na kami sa loob. Sabi sa amin ni Leah na sino man ang matatakot na humarap sa Ninuno ay masusunog hanggang sa maging abu. Pinayuhan ako ni Leah na wag nalang tumuloy pero tumanggi ako at nagsabing sasama ako sa kanila para harapin ang mga ninunu, at isa pa hindi takot ang nararamdaman ko kundi respeto at karangalan sa mga ninunu na syang nagdala sa aming lahi sa mga isla.
Madilim ang daan papasok, sinabihan kami ni Leah na kunin ang dalawang bato na nakalagay sa sekretong lagayan at gasgasin ang bato na tinutuon sa langis, ginawa namin ang sinabi ni Leah at umapoy ang langis at nagkaroon ng ilaw sa gilid ng aming dadaanan. Nang marating namin ang gitna ay nakita ko na mayroon liwanag na nanggagaling sa butas ng bundok na tumatama sa gitna.
May bilog na bato na ang gitna ay patag na may taas ng isang talampakan. Pinalibutan ito ng walong kabaong sabi ni Leah na pumunta kami sa gitna at tinawag nya ang mga ninunu. Mga ilang minuto ang nakalipas ay mayroong boses kaming narinig na nagsabing “sino ang tumawag sa aming katahimikan,” boses ng pinunu ng mga ninunu namin. Sabi ni Leah na humihingi kami ng patawad sa aming pag abala sa kanila. Sabi ng boses na ano ang kailangan namin sa kanila at lumitaw ang walong espirito sa bawat kabaong.
Ang isa ay biglang pumunta sa likod ko at nagtanong ng aking pangalan. Hindi naman nakakatakot ang kanilang mukha tulad ng isang bangkay kundi katulad din namin silang mga tao yun nga lang wala silang katawan. Sinabi ko naman na nagmula ako sa Isla ng Zarahemla sa Isla ng pag-asa at ang pangalan ko ay Abraham, sabi nya naman na ako ang unang itinakda. Tinanong ako ng espirito kung natatakot ako sa kanila, sabi ko ng buong katapatan na hindi ngunit isang karangalan na makita ko sila.
Dahil sa kanila mayroon kaming mapayapang buhay. Nakita kung umiyak ang isang espirito na nanay. Ngunit sabi ng Pinunu na nagtatanong kung Masaya ako, sabi ko naman na oo na nagsisimula ng matakot dahil nagsimula na syang magalit. Sabi ng pinunu na bakit daw ako masaya na maraming nagdurusang mga katulad namin sa labas ng Isla, na naghihintay sa aming pagdating, na umaasa, maraming pinapatay, kinakain, inaalipin. Tinanong nya ako uli kung masaya ako, sabi ko na umiiyak na hindi.
Dugtong pa nya nabilang isang pinunu isipin ang kapakanan ng ibang tao kaysa sariling kapakanan. Mga ilang sandali napanatag na sya at nagtanong. Tinanong kami kung ano ang aming layunin, sinabi ni Leah nahinihingi ang ang kanilang pahintulot ng pagsasalin ng karapatan ng itinakda. Mula sa kanya patungo sa kanyang kapatid na si Moroni. Nagpulong ang mga Ninuno ng sandali, at kinalaunan sinabi sa amin na pumapayag sila. Sinimulan na ang pagsalin ng karapatan sa dalawang magkapatid, umupo silang dalawa nasalikuran si Leah habang nilalagay nya ang kanyang dalawang kaway sa likod ni Moroni at nakita kung lumilipat ang lunar mula kay Leah patungo kay Moroni.
Pagkatapos na maisalin nagpaalam na si Leah sa amin dahil pwedi na syang magpahinga sa mundo ng mga espirito. Malungkot na panahon sa dalawang magkapatid, tinanong sya ni Moroni kung magkikita pa sila, sabi naman ni Leah na siguradong magkikita silang mag-anak sa pagdating ng tamang panahon. Pagkatapos magpaalam ang dalawa sa isat-isa ay pinuntahan ako ni Leah at hinalikan sa pisngi.
Ang mga ninunu ay nagbigay sa amin ng payo, nagbigay ng basbas, at nagpaalam narin. Puno kami ng pag-asa sa mga oras nayun at dahan-dahan akung namulat sa aking mission at layunin bakit ako pinanganak sa mundong ito.
Nang makalabas kami sa kweba ay tinulungan ako ni Moroni na makatawid sa makitid na daanan at nakarating kami ng maaga bago lumubog ang araw at nagsimula ng maglakbay.
Pagpapakilala
Taong tatlong libo at siyam na raan 3900.
Dumating ang araw na kinatatakutan ng bawat nilalang na naninirahan sa mundo. Dahil sa hindi na mapigilang kasakiman at ganid sa kapangyarihan, kayaman, mga sekritong kumbination, at digmaan ng mga tao. Isinilang ang isang kakila-kilabot na araw, ang araw nang kadiliman.
Dahil hindi na balansi ang mundo sa pagitan ng kabutihan at kasamaan, sa isang liblib na mundo isinilang ang kampon ng kadiliman, nasira ang mantilla sa pagitan ng mga tao at kadilimang nilalang. Sa kadahilanang wala silang mga katawang lupa ay sumanib sila sa mga taong handang ibigay ang kanilang kaluluwa sa dilim, ang mga sundalo ng kadiliman ay sa mga patay naman sumanib.
Nilusob nila ang bawat Isla sa buong mundo at nagkaruon ng walawakang digmaan sa pagitan ng mga tao at nilalang ng kadiliman. Dahil naghari ang kasamaan sa puso ng mga sakim ay madaling sinakop ang mundo ng mga tao, ang masaklap karamihan ay sumanib sa kasamaan. Mas ginusto nilang patayin ang kanilang kapatid kaysa mamatay. Si Curiantumr ay ginawang pinuno, pagkatapos ng digmaan at nag wagi ang kadiliman, ay nagbigay ng unang uto, na lahat ng nilalang na gustong mabuhay ay dapat magsamba sa mga dios-diosan, mahalin ang pera at makamundong bagay, ialay ang kanilang mga sanggol sa dios nilang gawa sa bato. Ang hindi sumang-ayun ay pinapatay nila ng walang awa. Ang mga lalake ay tinatalian nila at sinasabit, at walang awang sinusunog ng buhay. Ang mga babae ay ginagawang alipin, at ang mga kabataan ay pinapakain nila sa mga halimaw. Ito ang nangyari sa mundo, mundong mapayapa noon, ngunit mga ungol ng pag-iyak nlang na humihingi ng katarungan, pag-asa, at awa ang maririnig tuwing gabi. Ang bunga ng kamangmangan ng taong sakim ay dusa sa lahat.
Digmaan ng mundo, libo-libo ang namatay, may mga grupo ng indibiidwal na pinalad na mabuhay at tinawag silang Celestial Warriors. Sila ay nanggaling sa ibat ibang lahi, para maipagtatuloy ang sangkatauhan sa gabay i Ala, dahil sa hindi nila natalo sila ay ninais muna nilang lumayo para maisakatuparan ang propesya.
Naglakbay sila sa dalampasigan ng ilang mga buwan, nanalangin na ang kanilang buhay ay iligtas. Karamihan sa kanila ay sugatan, dinala sila ng panahon, nakarating sila sa mga isla na inihanda para sa kanilang kaligtasan bawat lahi sa bawat isla: Agosh-Isla ng Hangin, Akish-Isla ng Lupa, Anathoth-Isla ng Tubig, Gadiomnah-Isla ng Apoy, Zarahemla-Isla ng Pag-asa.
Isang nakakatanda sa mga nakaligtas na ang pangalan ay Lehi ay nag propesya na darating ang araw na ang munting liwanag ng pag-asa ay sisibul sa gitna ng kadiliman isang melinyo mula ngayon.
Si Helaman isa sa gropu ng mga mandirigma ay binigyan ng isang malaking katungkulan. Mananatili syang buhay, hanggang sa huling araw na bumalik muli ang liwanag sa mundo ng mga tao. Hihintayin nya ang isang milinyo at hahanapin at sasanayin ang Limang Itinakda para iligtas ang mundo. Si Tandang Helaman ay makakapunta lamang sa Mundo ng mga Espirito pag matapos ng kanyang Misyon. Sinabi din ni tandang Lehi na sahuling araw ang mga mandirigmang mamamayan sa apat na elementong Isla ay magsasama para sa huling laban.
Sa kwentong ito matututunan natin ang ibig sabihin ng pagkakaibigan, pagmamahal, sakripisiyo at pag-asa

Ang Simula
Ako si Abraham at ito ang kwento ko, Taong Apat na Libo at siyam na raan, 4900. Naninirahan kami sa tabi ng dagat, Isang liblib na isla na tinatawag ZARAHEMLA. Ang Isla namin ay napapalibutan ng ulap, sabi ni Itay isa daw itong proteksyon para hindi matuntun ng tagalabas ang aming isla. Ako ang panganay sa tatlo kung kapatid. Namuhay ako sa simpling pamilya. Tuwing umaga ang ginagawa ko ay tumutulong ky itay sa bukid sa pagsasaka at pagkatapos nang gawain sa bukid ay naglalaro kami ng aking mga kapatid.Pagmalapit na ang paglubog ng araw ay pumupunta kami ng mga kapatid ko sa burol para magpasalamat sa Dios sa mga biyayang ibinigay nya sa aming pamilya at ka isla, sariwang hangin, at masaganang ani.
Isang malamig na hapon, nang nakaupo kami ng mga kapatid ko sa kubo kasama si itay, nagpapahinga galling sa pagsasaka ay nagkwento si Itay tungkol sa aming mga ninuno nuong unang panahon na nanirahan sa mga mysteryusong mga pulo at isla na kung tawagin ay mundo, sabi sa kwento na sinakop ng kampon ni Coriantumr isang kampon ng kadiliman na gumagawa ng lihim na kumbinasyon, kahindik hindik ang sinapit ng pagsakop, sinabi sa kwento na ang sino mang hindi sumunod kay Coriantumr ay kanilang pinapahirapan bago patayin. Kailangan na sambahin nila ang mga diyos-diosan, Maraming namatay na mga mananampalataya sa Dios at hindi sumunod kay Coriantumr.
Ang labi ng mga tao ay itinatapon sa kalye kaya nangagamuy agnas ng katawan ng tao ang lungsod at maraming nagkakasakit na mga buhay maliban sa mga halimaw na kinakain ang mga labi ng mga tao. Sabi ni itay ang iba ay nagtatago sa mga bundok para hindi matuntun ng mga kaaway, na naghihintay na isang araw may magliligtas sa kanila. Ang mga grupo naman na naglakbay sa dalampasigan ay aming mga ninuno, na syang nakarating sa islang ito. Buhat noon ay hindi na silang nagtangkang bumalik at namuhay ng mapayapa sa isla namin. Ngunit sa taon daw na ito ay ang simula ng pagbabago.
Pagkatapos magkwento ni Itay ay tinanong nya ako kung naniniwala ako sa kanyang kwento, ngumiti nalang ako at sinabihan sya na hindi. Sabi naman ni itay darating ang araw na maiintindihan ko rin ang ibig nyang sabihin.
Sa isla namin ang aming kinabubuhay ay pangingisda, pagsasaka, pag aalaga ng mga hayop, at iba pang gawaing bukid. Malayo kami sa sibilisasyon, hindi ko nga alam ang ibig sabihin ni itay na cellphone at TV, sakin kathang isip lamang, kwentong baryo ika nga. Dito sa isla ang karamitang libangan ng mga tao ay palakasan, dahil sa aming Isla ay tinatawag kaming pinakamalakas sa buong isla sabi ni tandang Helaman, isa syang ermetanyo sabi ni Itay, namumuhay sya sa paglalakbay sa ibat-ibang mga Isla. Ginagawa nya ang pagsusulat sa mga lami ng tanso bilang talaan ng kasaysayan ng aming mga ninuno, mahiwaga si tandang Helaman, sabi pa sa kwento na sya lang ang nakakaalam nang mga lagusan at makakapasok dito sa ibat ibang mga Isla. Sabi pa na nakarating na sya sa pinagbabawal na lungsod ang Lungsod ng Irreantum. Halos lahat kami ay hindi pa alam ang pinanggalingan at tunay na pagkatao ni Tandang Helaman. Ang nalalaman lang namin ay matalino sya at mahiwaga.
Pyesta ng Kalayaan
“mga kapatid, nagpapasalamat ako sa araw na ito, isa na namang taong ibinigay sa atin ng Lumikha na tayo ay nabubuhay nang mapayapa, nagkaroon ng masaganang ani, sa buhay na ibinigay sa atin, at higit sa lahat pamilya namayroon tayo. Ito rin ang araw na nakarating ang mga ninunu natin sa Isla ng Zarahemla Isla ng pag-asa. Sa panahong ito gusto kung ipaalam sa lahat na ang taong aking hinihintay ay dumating na. Ang araw nang paghahanap sa mga itinakda. Itinakda na syang magliligtas sa mga kapatid natin na naniniwala sa Dios na naiwan sa Irreantum. Para malaman ang isang itinakda ay magkakaroon ng pagsubok, sa lahat ng kabataang lalaki at babae. Bukas sa bukang liwayway ay magsisimula ang pagsubok. Kaya ang lahat ng mga kabataang lalake at babae ay mag handa.” sabi ni Tandang Helaman.
Pagkatapus na magsalita ni Tandang Helaman ang lahat ay namangha, pati si Itay at Inay. Pero hindi ako, hindi ako naniniwala sa mga kwento nya, walang Irreantum at pagsasayang lamang ng panahon ang gagawin nila, para sa akin kalukuhan lang ang pagsubok na gagawin kaya pinag isip-isip ko na mas mabuti pang umakyat na lamang sa bundok at magpalipad ng saranggola.
Kinagabihan habang kumakain kami sa hapag-kainan, ay nagtanong si Ina kung sabik daw ako para sa gagawing pagsubok para bukas. Sabi ko naman ay wala akung gana at magkakasakit ako bukas. Pinagtawanan naman ako ni bunsoy at sinabing nababakla lang siguro ako. Sabi ni itay bakit hindi ko daw subukan. Sabi ko naman sa kanila na halos lahat sa Isla ay malalakas maliban nalang sa akin, sabi ko pa sa kanila na siguro malas ako dahil pinanganak akung may balat sa kamay. Sabi ni itay na ako daw ay isang regalo mula sa Dios. Dugtong pa ni inay
“Alam mo, Abraham wala na kaming masasabi sayo, mabait ka masipag, magalang, matulungin kaya kung ano man ang maging desisyon mo bukas ay sya naming igagalang.”
Nagbiruan nga kami bakit hindi binanggit ni ina ang salitang gwapo. Pagkatapus kumain ay tinulungan ko si ina sa pagliligpit at tumambay muna ako sa labas ng bahay para magpahangin, kahit na sinabi nila inay at itay yun ay di parin mawala sa aking isipan na iba ako sa nakakarami.
Dumating ang bukang liwayway, ako naman tanghali na gumising at tinutuo ang aking pagkukunwari na may sakit. Pumunta ako sa bundok para magpalipad ng saranggola ngunit inakala kung madami ang pupunta pero lahat pala ay pumunta sa paligsahan maliban sakin. Kaya nagpasya nalang ako na bumaba at makinood sa paligsahan, dumating ako sa lugar nang pagtitipun hapon na. Nanood ako sa kanilang paligsahan, nagtanong ako sa kakilala namin kung ano ang ginagawa ng bato na kasing laki nang aking kamao sa gitna. Sabi naman nya na kung sino man ang makakapagpalutang ng bato ay sya nyang gagawing disipulo.
Sa Isla kung saan kami naninirahan ay may mahika at kapangyarihan na hindi maipaliwanag. Kaya napag-isip ko na kaya ginawa ni tandang Helaman ang paligsahan para malaman kung sino ang may potential na kakayahan. Nakita ko na maraming paulit-ulit na sumubok na paangatin ang bato, ang iba napagalaw nila pero di napaangat, namangha ako sa kakayahan nila. Pero hindi parin nakapasa sa pagsubok ni tandang Helaman, lahat ay bigo at sumuko. Bulong ko sa aking sarili na mabuti nalang na hindi ako sumali dahil sila nga na may pambihirang kakayahan ay bigo ako pa na isang ordinaryung binata lamang sa aming isla, siguradong pagtatawanan lamang ako.
Ngunit nagtaka kaming lahat bakit hindi pa pinapaalis ni tandang Helaman ang mga tao, nagtaka ako kung ano ang hinihintay nya. May nagtanong kung bakit hindi pa nya pinapaalis kaming taga baryo. Ngunit ang sabi ni tandang Helaman na may isa pang hindi pumupunta sa gitna, hindi dumadaan sa pagsubok. Ang unang pumasok sa isip ko ay sumibat sa karamihan bago pa malaman na ako pa ang hindi nakakadaan sa pagsubok, nagtanong ako sa aking sarili kung paano nya nalaman. Ang ginawa ko ay tumalikod ako, dahan-dahang papalayo para hindi mapansin. Biglang sinabi ni Tandang Helaman “saan ka pupunta?” sabi ko naman, hindi ako yung tinutukoy nya. Pinagpatuloy ko ang paglalalakad at biglang tumakbo ng mabilis ngunit ako’y nabunggo sa isang tao. Nang tumingin ako kung sinong pakialamiro, Si tandang Helaman ang nakabunggo ko, sabi ko sa sarili kung pano nya ginawa yun? Subrang bilis nya para makarating agad sa kinaruruunn ko. Tinanong ko sya kung bakit at bigla syang humarap malapit sa mukha ko at nagsabi “ikaw pa ang hindi nakadaan sa pagsubok”. Sabi ko naman na hindi ako kasali, pinapili ako ni Tandang Helaman subukan ko o ipapakain nya ako sa mga pating.
Wala na akong ibang pagpipilian, pero nasa isip ko na ayus lang kasi imposibli na magagalaw ko ang bato at mapapaangat. Pumunta ako sa gitna at biglang tumahimik ang lahat, nakita ko sina ama at ina na pinagsisigawan ung pangalan ko at pinagmamalaki nila na ako ay kanilang anak. Ganon din ang mga kapatid ko. Subrang hiya ko sa mga oras nayon, tumingin ako sa bato na pinipigilan ang aking kahihiyan, pagkalipas ng ilang mga sandali ay walang nangyari kaya tumingin ako salikuran kay tandang Helaman at nagsabi na “o ayan Tandang Helaman nakita mona walang nangyari, siguro makakauwi na ako” at nakita ko ang mga ka baryo ko na lumaki ang kanilang mga mata at namangha, tumigil ang orasan..biglang tumibok ang puso ko ng mabilis, na sana mali ang hinala ko. Dahan-dahan akung tumingin kung saan naroroon ang bato, ng tiningnan ko yung bato ay wala na sa kinaruruunan nito, lumulutang na sa iri. Pumalakpak ang mga tao at ako’y hinimatay. Pumasok sa isip ko “o hindi! ibig sabihin kailangan kung sumama sa matandang ito at iiwan ang mapayapa kung buhay? Nako po maging ermetanyo rin?”
Dito magsisimula ang kwento ng buhay ko. Ako si Abraham Covenant isang Celestial Warrior.
Ang Paglisan
Bago sumikat ang araw ay ginising na ako ni Ina dahil hinihintay na ako ni tandang Helaman sa tabing dagat para sa aming paglalakbay. Sa panahong yun ay pinipilit nalang ako ni Ina na ayusin ang aking sarili dahil sa katunayan ayo kung lisanin ang aming Isla, ang mapayapang pamumuhay na mayroon ako at mahal na pamilya. Kaya si Ina nalang ang nagligpit ng aking dadalhin: dalawang magkakasamang damit, isang kutson, at damit pangginaw. Habang nagliligpit ay sya namang pangaral ni Ina sa akin kung anong dapat kung gawin. Sinabi ko kay ina na wag nalang kaya ako tumuloy dahil walang katulong si itay sa bukid at marami pang gawain sa bahay, sabi naman nya na huwag nalang daw ako magalala sa kanila . Sa bagay na nalulungkot sila pero masaya sa kabilang banda na sa lahi namin ay sisibol ang itinakda na maging isang mandirigma, kaya dinadaan nya nalang sa pangangaral para itago ang kanyang lungkot, kahit na umiiyak na ito.Sa tabing dagat ay nag-uusap sila Tandang Helaman at ni Itay. Nag almusal muna ako at nagpaalam na sa aking ina at mga kapatid at lumabas sa bahay na bitbit ang gamit panglakbay. Lumabas na ako ng kubo at pumunta kina itay, nakita ko rin na halos lahat ng kababaryo ko ay nag-aabang sa akin. Sabi ni Itay na magingat daw ako, mahal nya ako sila ni inay at gampanan ko ang malaki kung responsibidad. Hindi ko maintindihan ang Ibig sabihin ni itay. Hinagkan ko sila itay at inay at aking mga kapatid, nag senyas din ako ng pamamaalam sa aking ka Isla. Habang papalayu at pa sakay na sana ng bangka ay may narinig akung sumisigaw ng pangalan ko, ng tumingin ako sa likuran nakita kung tumatakbu si Sarah kababata ko, ngumiti ako sa kanya, ngunit habang tumatakbong papunta sa akin ay natisod ito at nadapa sa buhangin.
Tumakbo ako papunta sa kanya para tingnan kung ayus lang sya at tinulungan sa pagtayu. Sabi ko “kaw talaga, tingnan mo sarili mo, bak’t ba? Ano ba ang kailangan mo?” pagalit na sabi ko. “wala lang gusto ko lang ibigay sayo tung baon mo” paiyak na sabi ni Sarah habang binibigay ang nakabalot sa panyo na pabaon. Pinagalitan ko sya at tinatanong kung bakit umiiyak sya alam kung iniiyakan nya ako dahil alam naming baka hindi na kami magkikita. Para maibsan ang kalungkutang nadarama nya ay sinabihan ko syang masaya akong aalis dahil hindi ko na makikita ang kanyang pagmumukha at hindi narin ako maghihirap sa mga kapalpakan nyang ginagawa araw-araw. Pero hindi parin nya pinigilan ang pag iyak. Tinatawag na ako ni Tandang Helaman kaya, nagpaalam na ako at niyakap ko sya, sinabihan ko syang parating mag-ingat at parating samahan si ina sa kanyang kalungkutan sa pagalis ko. Tumakbo ako pabalik sa bangka na hindi lumilingon.
Hindi ako lumingon at pinipigilan ang iyak na sa aking puso, sinisisi ko si Tandang Helaman sa mga nangyari. Habang papalayo na kami sa Isla ay pumasok na kami sa hamog na pumabalibot sa isla. Tinitingnan ko ang binigay saking baon ni sarah, ng binuksan ko ang balot, namangha ako dahil ang kwentas na yon ang palawit ay isang Cristal na kinuha pa nya sa taas ng bundok ng Can-laon, namangha ako dahil dilikado ang lugar nayon kahit ako hindi pa nakakapunta doon. Sa taong magkasama kami ni Sarah ay puro mali nalang ang nakita ko sa kanya, pero ang katutuhanan ay sya ang nagbibigay lakas sa araw-araw na buhay ko, sa tuwing mahina ako, sa tuwing may sakit ako parati syang andyan mas binibigyan pa nya ng pagkakataon na matulungan ang iba kay sa sarili nya. Mas iniintindi nya ang kalagayan ko kaysa sarili nya.
Kaya tanong ko sa aking sarili ako ba yung babae? Sabi ni Tandang Helaman may pagkakataon pa akung sabihin sa kanila habang hindi pa kami nakakalayo. Tumalikod ako sa kanila ngunit hindi kona maaninag masyado ang kanilang mga mukha dahil sa hamog na pumapalibot sa Karagatan sumigaw akung “mahal ko kayung lahat Ama, ina, mga kapatid, Sarah, at mga ka Isla. Ipagdasal nyo ako. Hinihintay ko na magsalita sila ngunit wala, ilang mga sandali pa ay may narinig akung salita PAG-ASA SA ISLA NG ZARAHEMLA, pa ulit-ulit na sinasabi nila. Sumigaw ako ulit na salamat ng ilang mga besis hanggang lumayu na kami at hindi ko na marinig ang kanilang boses.
Ngumingiti akung papalayo habang umiiyak labing walong gulang ako ng mawalay sa aking pamilya. Hindi ako nagsasalita ng ilang mga oras dahil sa hindi parin ako makapaniwala na iniwan ko ang aking buhay sa Isla. Nagtanong sa akin si Tandang Helaman kung alam ko ang ibig sabihin ng balat ko sa braso, sinabi nya nayan ang simbulo nang pag-asa. Nang nagtanong ako kung anong ibig sabihin nya nang pag-asa ay sinagot nya ako na malalaman ko rin sa takdang panahon.
ANG PAGHAHANAP SA CELESTIAL WARRIORS
Isla ng Agosh (Isla ng hangin)
Ilang araw na kaming naglalakbay, at halos maubos na ang pabaong tinapay at tubig sa akin ni ina. Napagod narin ako sa kasasagwan at hindi ko alam ang aming patutunguhan dahil sa hamog ng karagatan na halos wala akung makita. Napuna ko kay tandang Helaman na halos hindi sya umiinum at kumakain masyado, sa bagay ako parati ang pinagsasagwan nya ng bangka. Sa uhaw at gutom ay nakatulog ako. Naramdaman ko habang natutulog tumigil yung bangka na aming sinasakyan, ng idilat ko ang aking mga mata ay nakarating na kami sa Isla. Namangha ako dahil akala ko na wala nang ibang isla kundi ang isla namin, sa nakita kung lugar parang walang taong nakatira at magubat ang Isla. Tinanong ko si Tandang Helaman kung ano ang tawag sa Isla. Ang tawag daw ay Isla ng Agosh o Isla ng hangin.Naglakad kami ni Tandang Helaman paakyat sa gubat, nagpahinga at nanguha ng mga prutas. Ibang klase talaga si tandang Helaman, napipitas nya ang mga prutas na hindi ginagamit ang kamay nya, gamit lang ung pagiisip nya. Nagtanong ako sa kanya kung kagagawan nya ang paglutang ng bato at hindi ako. Sinabi nya sa akin na kahit malaman ko man o hindi wala na akong magagawa dahil ako ang itinakda. Tinanong ko sya uli kung bakit nga ako pinili na maging estudyante nya at hindi yung mga malalakas sa aming Isla.
Ang sabi nya ang marka sa aking braso ang simbulo na ako ang unang itinakda. Tinanong ko sya kung ano ang ibig sabihin ng lunar sa aking braso, sabi naman ni tandang Helaman nayan ang simbulo ng pag-asa.
Pagkatapos kumain at magpahinga nagsabi syang pumasok na, at ang nakita ko lang na papasukan ay ang kweba sa harap namin. Bumulung-bulong ako sa aking sarili kung nababaliw na ba ang matandang ito, at biglang binatukan nya ako ng kanyang sungkod at sinabi “ito ang unang leksyon na kailangan mung matutunan, kailangan kang magkaroon ng Pananampalataya”. Bulong ko sa aking sarili kung anong ibig sabihin nang pananampalataya/pag-asa? Sabi ni Tandang Helaman, na ang pananampalataya ay paniniwala sa isang bagay na hindi mo nakikita ngunit totoo. Tulad daw ng isang hangin na hindi nakikita ngunit nararamdaman natin.
Pagkatapos ipaliwanag ni Tandang Helaman sa akin ang tungkol sa pananampalataya, naapag-alaman ko na hindi ako nagsasalita sa bibig kundi sa isip. Tumingin ako sa kanya at nagtanong kung paano nya nababasa ang isip ko at makipag kumunikasyon gamit ang isip. “Yun ang ituturo ko sayo” sabi ni Tandang Helaman. Sabi pa nya sa akin ang sinasabi ko lang ang nababasa nya hindi ang mga litrato na iniisip ko sa utak. Ibang klase talaga sya. Pumasok na kami sa madilim nakuweba, habang naglalakad nakita ko na ang dulo ng kanyang sungkod ay umilaw para makita namin ang aming dinadaanan. Habang naglalakad ay nagtanong ako sa kanya kung tama yung narinig ko sa aming Isla na subrang tanda nya na, kasi kung titingnan ko si tandang Helaman ay mga nasa limang po na ang kanyang edad. Sabi nya kasama sya ng mga tinatawag naming mga NINUNU ng unang dumating sa Isla namin, at napag-isip ako na mga mahigit isang melinyo na o isang libong taon na ang kanyang edad.
Nang makalabas kami ay di ko namalayan na hanganan na pala yun ng lupa at nahulog na ako, mabuti nalang nahawakan ni Tandang Helaman ang kunop na nakasabit sa aking liig, at hinila ako paakyat. Mabilis ang pintig ng aking puso na inakala kung katapusan ko na sa mga oras na iyon, nakatungtung kami sa lumulutang na bundok. Sinabihan ako ni Tandang Helaman na kailangan din na Tingnan ko ang aking dinadaanan at hindi padalos-dalos sa mga disisyon na aking gagawin para hindi mapahamak tulad nang nangyari sa akin.
Nagpasalamat ako sa kanya. Nakita ko ang lugar at ako’y namangha nang lubusan, parang sa kwento ni Itay na avatar. Nahulog ako dahil lumulutang lang ang mga bundok sa himpapawid. Ang daan ay sa gilid at hindi tuwid. Sinabihan ako ni Tandang Helaman na maglakad na nakatagilid na ang aking katawan ay isandal ko sa bundok, at wag akung titingin sa baba, para makasigurado ay hinahawakan nya ang aking kunop sa liig. Naghahalong kaba, at parang hindi na ako makahinga sa takot nabaka mahuhulog, nahirapan akung maglakad dahil sa panginginig ng aking buong katawan. Nang makarating kami sa taas ay hinimatay ako sa takot. Nang makagising na ako nakita ko ang maraming tao na naghihintay kay Tandang Helaman.
Piesta sa kanilang Isla at kumain ako ng maraing pagkain. At napag-alaman ko na kakaiba ang kanilang pagkain. Hindi sila kumakain ng karne, puro gulay , prutas, tinapay, at iba pa maliban sa karne. Dumating na ang oras na mag bibigay na naman si tandang Helaman ng talumpati katulad ng sinabi nya sa Isla namin, Habang kumakain na ay nilapitan ako ng limang binatang lalaki na sa subrang bilis nila ay hindi ko namalayan na nasa tabi kona sila.
Tinanong nila ako kung ako ang estudyante ni Tandang Helaman at sinabi ko sa kanila na ako. Dahil napagalaman nila na ako ang unang estudyante ni Tandang Helaman ay inakala nila na isa akung malakas na nilalang na may kakaibang katangi-an at kapangyarihan. Gusto nilang subukan ang aking kakakayahan kaya ang ginawa nila ay sinabihan nila akung labanan sila, ngunit tumang-gi ako dahil alam kung wala akung laban sa kanila. Kaya nilang kuntrolin ang Elmento ng hangin. Dahil sa ilang ulit akung nagsabi sa kanila na hindi ako suma sang-ayun sa kanilang plano at nakatahimik lamang habang kinukutya na nila ako. Nagsimula akung tumayo at umalis sa kanila para makaiwas sa gulo, ngunit nang nakita nila ang kwentas na nakasabit sa aking liig. Tinanong nila ako kung sa akin ang kwentas na hinawakan ng kanilang kaibigan, nagtaka ako kung pano napunta sa kanila ang kwentas sa subrang bilis ay hindi ko nakita. Tumakbo sila papalayo at kinantyawan akung habulin sila.
Nagsabi sila sa akin na kung ako ang unang itinakda ay patunayan ko sa kanila at magpakitang gilas. Hinabol ko sila para kunin ang kwentas nang makarating ako sa isang bakanting espasyo ay pinalibutan at pinagbabatok, pinagpasa-pasahan din nila ang kwentas. Hanggang napagod ako sa pagahahabol. Sabi nila na nagbibiro daw ako bakit hindi ko pa pinapakita ang aking lakas.Nagsimula ang isa sa pagsuntok sa akin pero nagtaka sya na hindi ako lumalaban, kaya inakala nilang lahat na nagbibiro ako, isa isa silang lumapit at sumuntok sa akin habang nagtatawanan hindi ko sila makita dahil sa subrang bilis nila ang tanging naramdaman ko ay ang sakit ng bawat tama ng kanilang kamao sa aking katawan.
Nagsasalita sila na tama na ang aking pagbibiro at seriousohin ko na ang laban, kung ako daw ang pinili. Sabi ko naman sa kanila na wala akung kakayahan nakiusap ako ng awa na ibigay nila ang kwentas sa akin. Dumidilim na ang aking mga paningin na parang napag-isip ko na baka katapusan kona, ngunit sa kanila ay isang biro at pagpapanggap lang ang aking ginagawa. Sa kawalan ng pag-asa ay dumating ang isang kaidad ko na ka isla nila at nagsabing tumigil na sila. Sabi ng lima na wag daw syang makialam sa kaguluhan. Kumuha sya ng kapirasong papel sa kanyang bulsa at nakita ko habang hinahawakan nya ang papel ay nagliyab ito pero hindi nasusunog ang papel. Biglang dumating si Tandang Helaman at inawat kami, kinuha ko ang kwentas na bigay sa akin ni Sarah. Doon ko nakilala si Moroni, ang nagligtas sa akin sa gabing yun kakaiba ang kapangyarihan ni Moroni. Tinulungan ako ni Moroni na maglakad papuntang bahay nila. At pinahiga sa kama, nakita ni tandang Helaman na hindi maganda ang kalagayan ko kaya hinubad nya ang aking pantaas na damit at nang hinipo nya ang aking tigiliran na pagalaman nya na may ilang buto ang nabali sa dibdib at aking tagiliran. Sabi nya na mapalad ako dahil nabuhay pa ako, kumuha sya ng piraso ng damit at nilagay sa akin bibig at sinabihan akung kagatin.
Ipinatong ni Tandang Helaman ang kanyang mga kamay sa aking dibdib at nakita ko na may liwanag na lumalabas sa kanyang mga kamay naramdaman ko na nag-init ang aking katawan at biglang gumalaw ang mga buto ko na nabali at parang humahanay ito sa kanyang posisyon pero di ko mapigilan na sumigaw dahil sa sakit. Nawalan ako ng malay ng gabing ginagamot ako ni Tandang Helaman. Kinaumagahan, sa pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko ang limang kabataang lalake na kasing edad ko lamang na sa aking harapan, sabi ng ama ni moroni kung sila ang aking nakita dahil pag sinabi kung sila ay papatungan sila ng hatol ng kamatayan at bibitayin sa harap ng mamamayan ng Agosh.
Nakita ko na ang iba sa kanila ay umiiyak sa takot, sinabihan ko ang ama ni Moroni na hindi ko kilala ang mga taong iyan dahil sa gabi at di ko maaninag ang kanilang mga mukha, dugtong ko pa na hindi sila ang mga taong gumulpi sa akin ng gabing yun. Habang nagsasalita ako ay nakita kung tumutingin sila sa akin na nagulat dahil inakala nila dahil sa ginawa nila sa akin ay sasabihin ko sa ama ni Moroni na sila yung mga taong gumulpi sa akin ng gabing yun, at malalagay sila sa hatol ng kamatayan ng Isla nila.
Sinabihan ako ng ama ni moroni kung sigurado ako sa aking sinasabi at sinabi kung sapat na ang sinabi ko at kailangan ko nang magpahinga. Sabi sakin ng ama ni Moroni na kanyang niririspito ang aking sinabi at aalis na sila, sabi ng lima kung pwede daw nila akung makausap at hiningi ang permiso ko. Sumangayun ako at nanatili sila sa loob ng silid. Lumuhod sila sa akin at nagpasalamat, humingi ng patawad. Nakita ko ang kanilang pagsisisi at sinabihan silang sa susunod wag nilang daanin sa biru-an ang lahat. Sabi nila na balang araw ay papalitan nila ang kabutihang ginawa ko sa kaila na utang nila ang buhay nila sa akin. Nag-usap kami sa silid at nagkwentuhan.
Moroni Ikalawang Itinakda
Mabilis ang aking pag galling isa- dalawang araw lang ay humilom at bumalik na sa kundisyon ang aking katawan, sa buong buhay ko ang alam ko lang na hindi ako nagkakasakit. Nang naghilum at gumaling ako ng dalawang araw ay napag-alaman ko na mayroon akung kakayahan na hilumin ang aking mga sugat kaya pala hindi ako namatay ng gabing ginulpi ako at nabali ang maraming buto sa aking katawan.
Pinakilala ako ni Moroni sa kanyang pamilya, at nag-alok na doon kami manatili hanggang matapos ang paligsahan, pumayag naman si Tandang Helaman.
Dumating ang araw ng paligsahan madami ang dumalo, pinakilala ako ni Tandang Helamansa lahat na ako ang unang estudyante nya na nanggaling sa Isla ng Zarahemla, Isla ng pag-asa. Namangha ang lahat dahil akala nila na kathang-isip lang ang islang yun. Nakita ko rin ang kadalagahan sa lugar nila na tinitingnan ako na ngumingiti, nang itaas ko ang aking kamay para kumaway ay binatukan ako ni Tandang Helaman at nagsabing alam nya ang aking iniisip, napahiya tuloy ako sa aking sarili.
Paligsahan sa Isla ng Agush-Ikalawang Itinakda
Bago mag bukang Liway-way halos lahat ng nasa Isla ay nasa lugar na ng paligsahan, ilang mga sandali humudyat na si tandang Helaman na simulan na ang paligsahan sa Isla ng Agush, Isla ng hangin. Lahat ng kabataang lalaki ay nagsimula ng pumunta sa gitna at nagsimulang palutangin ang bato na kasing laki ng aking kamao na inilagay sa gita na kung sino man ang makakapaglutang sa eri ay sya nyang gagawing ikalawang disipulo at lahat ng kabataang lalake at babae ay kailangan dumaan sa pagsubok.Ngunit gamitin man nila ang kanilang buong lakas at kapangyarihan ay nahihirapan silang palutangin ang bato na parang isang bundok ang bigat nito, pero ng kanila itong hawakan ay magaan lang ang bato tulad ng isang kapirasong papil. Tinanong ko si tandang Heleman kung paano, sabi nya sa akin na sa pamamagitan ng bato malalaman nya kung sino ang itinakda dahil iilaw ito at sya lng ang makakakita, pag nalaman nya ay sya nyang pakakawalan ang kandado ng bigat ng bato at lulutang ito, ibig sabihin, ang itinakda lamang ang kayang makapagpapaangat ng bato.
Dumating na ang oras na hinihintay ko pumagitna na si Moroni, nang tingnan nya ang bato at simulang palutangin at hindi ito lumulutang. Nagtka ako dahil malaki ang aking tiwala na sya ang ikalawang itinakda na mangagagaling sa Isla ng Agush. Nang tingnan ko uli si Moroni ay nakita ko na parang may kinakausap sya na katabi. At nang tiningnan nya uli ang bato ay lumutang ito at sabi ko sa aking sarili na sya nga ang itinakda at hindi ako nagkakamali.
Sabi sa akin ni Tandang Helaman na mayroong mali. Nung una daw ay hindi nya naramdaman na si Moroni ang itinakda ngunit biglang nag iba ang kapangyarihan pagkatapos ng ikalawang subok at lumiwanag ang bato.
Sa kabilang banda tuwang-tuwa naman ang mga magulang at ka Isla na may roong itinakda sa kanilang Isla. Pinuntahan sya ni tandang Helaman at nagsabi na kaming tatlo ay mag-uusap. Nagtinginan kami ni Moroni at sumunod kay tandang Helaman sa taas ng burol sa di kalayuan sa mga tao. Sinabi ni tandang Helaman kay Moroni na alam nya kung ano ang nais na itatanong sa kanya. Kaya nagtapat na si Moroni, dahil sa kanyang kapatid kaya nya nagawa na palutangin ang bato.
Bulong ko saking sarili na paano magkakaroon ng kapatid si moroni dahil mag-isa lamang sya sa gitna kanina. Sinabi nya na ang kanyang kapatid ay namatay ng nakaraang taon dahil sa malubhang karamdaman at sabi ng kanyang kapatid na darating ang araw na si Moroni daw ang papalit sa kanya bilang itinakda. Ang kanyang kapatid ay mayroon lunar sa likuran. Simbulo ng hangin, Nanindig ang aking balahibo nang narinig ko na may kapatid pala si Moroni na multo, kaya tinanong ko sya kung nandito ba ang kanyang kapatid ngayun sabi naman nya ay oo, at subra na akong natakot, nagtanong ako na nanginginig ang boses habang nilalamig ang buo kung katawan. Tanong ko kay Moroni kung nasaan sya banda. Sabi ni Moroni ay nasa kanan ko.
Nang tumingin ako ng dahan-dahan sa aking kanan ay nakita ko ang mukha ng babae. Isa syang magandang multo, ngunit huli na ang lahat dahil umihi na ako sa aking pantaloon dahil sa takot. Nagsalita sya na, kumusta daw at tinanong ako kung natakot ako. Sabi ko naman na hindi, dahil sanay ako sa mga multo, maraming multo sa Isla namin at nagmayabang na sa katunayan na naglalaro pa sa kanila. Tinanong nya ako kung bakit basa ang aking pantaloon. Sagot ko namanna siguro may na upoan lng na basa.
Ngumiti sya at nagpakilala na ang pangalan nya ay Leah at nagagalak nya akung makilala at masaya sya dahil sa aking katapangan. Ngumiti ako sa aking narinig ngunit ng tumingin ako sa mga mata ni tandang Helaman ay tumahimik na ako.
Sabi sa amin ni Leah na kung tatanggapin ni tandang Helaman si Moroni bilang estudyante nya ay isasalin nya ang itinakdang karapatan kay Moroni, nung una ay hindi pumayag si tandang Helaman at sabi naman ni Leah na hindi sya makakapunta sa mundo ng paraiso kung hindi nya maiibigay ang karapatang na yun kay Moroni at hindi maikasatuparan ang Propesya.
Sabi sa amin ni tandang Helaman na maari lamang na mangyari ang pagsasalin kung kakausapin namin ang mga ninunu ng isla ng Agosh at hihingin ang kanilang pahintulot. Sabi naman namin kung paano mangyayari dahil matagal nang namatay ang mga Ninuno nila. Sabi naman ni Tandang Helaman na dapat kaming pumunta sa ipinagbabawal na lugar sa kasunod na lumulutang na isla para kausapin ang ang mga Espirito ng mga ninunu nila ni Moroni at gawin ang serimonya ng pagsalin ng karapatan ng Itinakda.
Dugtong pa ni tandang Helamani na dapat makakabalik kami sa itinakdang oras bago lumubog ang araw kinabukasan, kung hindi, hihinto ang mission at malalagay sa kapahamakan ang lahat. Sumangayun naman si Moroni at ang kanyang kapatid, nagprisinta akung sumama sa kanila ngunit nagpaiwan si tandang Helaman dahil may batas silang mga NINUNO na hindi sila pweding magkita hanggang hindi dumarating ang itinakdang panahon. Hindi na kami nagsayang pa ng oras at nagsimula nang maglakbay patungo sa ikalawang bundok na lumulutang para gumawa ng kasunduan sa mga espiritong ninuno nila Moroni at Leah. Naglakbay kami ng ilang mga oras hanggang makarating kami sa hangganan at gabi na. Nakita ko ang daan papunta sa kabila, isang burol na ang taas ay apat na palapag na lumulutang na ang daanan lamang ang nagdudugtung sa aming kinatatayuan, nagpahinga muna kami ng gabing yun.
Paghaharap sa mga Ninunu ng Agush
Kinaumagahan ay alanganin akung tumawid sa makitid na daan patungo sa kabilang burol kaya sabi ko sa kanila na sila nalang ang pumunta dahil magbabantay nalng ako sa daan baka may kalaban na darating. Sumangayun naman sila aking pasya, ganon din nagging masaya ako ng sinabi ni Leah na magiting daw ako.Nang paalis na sila ay naramdaman at narinig ko na may gumagalaw sa damuhan naparang may nagmamatyag sa amin. Sabi ko kay Moroni kung narinig nya ang narinig ko at sabi nya baka mga kaluluwa ng ninunu., Nang narinig ko ang salitang yun di nako nag atubili at tumakbo akung tumuwid sa maliit na daan papunta sa kabilang maliit na burol. Nasa isip ko na mabuti nalang at nakatagbo ako palayo kaagad at hindi nahabol ng multo, ngunit hindi ko namalayan na tumawid ako sa maliit na daan na hindi inaantala ang takot ko na mahulog. Narinig ko na sabi ni Moroni sa kabila na maliit na aso ang nakita nilang lumabas. Nagtaka sila bakit nakapunta na ako agad sa kinatatayuan ko at sabi ko daw magbabantay ako sa daanan, sabi ko naman na sinisigurado ko lang na walang patibung na nakalagay sa daan, ngunit bulong ko naman sa aking sarili pano ako makakatawid pabalik dahil takot ako sa matataas.
Nang makatawid na sila sa daan ay pumasok na kami sa loob. Sabi sa amin ni Leah na sino man ang matatakot na humarap sa Ninuno ay masusunog hanggang sa maging abu. Pinayuhan ako ni Leah na wag nalang tumuloy pero tumanggi ako at nagsabing sasama ako sa kanila para harapin ang mga ninunu, at isa pa hindi takot ang nararamdaman ko kundi respeto at karangalan sa mga ninunu na syang nagdala sa aming lahi sa mga isla.
Madilim ang daan papasok, sinabihan kami ni Leah na kunin ang dalawang bato na nakalagay sa sekretong lagayan at gasgasin ang bato na tinutuon sa langis, ginawa namin ang sinabi ni Leah at umapoy ang langis at nagkaroon ng ilaw sa gilid ng aming dadaanan. Nang marating namin ang gitna ay nakita ko na mayroon liwanag na nanggagaling sa butas ng bundok na tumatama sa gitna.
May bilog na bato na ang gitna ay patag na may taas ng isang talampakan. Pinalibutan ito ng walong kabaong sabi ni Leah na pumunta kami sa gitna at tinawag nya ang mga ninunu. Mga ilang minuto ang nakalipas ay mayroong boses kaming narinig na nagsabing “sino ang tumawag sa aming katahimikan,” boses ng pinunu ng mga ninunu namin. Sabi ni Leah na humihingi kami ng patawad sa aming pag abala sa kanila. Sabi ng boses na ano ang kailangan namin sa kanila at lumitaw ang walong espirito sa bawat kabaong.
Ang isa ay biglang pumunta sa likod ko at nagtanong ng aking pangalan. Hindi naman nakakatakot ang kanilang mukha tulad ng isang bangkay kundi katulad din namin silang mga tao yun nga lang wala silang katawan. Sinabi ko naman na nagmula ako sa Isla ng Zarahemla sa Isla ng pag-asa at ang pangalan ko ay Abraham, sabi nya naman na ako ang unang itinakda. Tinanong ako ng espirito kung natatakot ako sa kanila, sabi ko ng buong katapatan na hindi ngunit isang karangalan na makita ko sila.
Dahil sa kanila mayroon kaming mapayapang buhay. Nakita kung umiyak ang isang espirito na nanay. Ngunit sabi ng Pinunu na nagtatanong kung Masaya ako, sabi ko naman na oo na nagsisimula ng matakot dahil nagsimula na syang magalit. Sabi ng pinunu na bakit daw ako masaya na maraming nagdurusang mga katulad namin sa labas ng Isla, na naghihintay sa aming pagdating, na umaasa, maraming pinapatay, kinakain, inaalipin. Tinanong nya ako uli kung masaya ako, sabi ko na umiiyak na hindi.
Dugtong pa nya nabilang isang pinunu isipin ang kapakanan ng ibang tao kaysa sariling kapakanan. Mga ilang sandali napanatag na sya at nagtanong. Tinanong kami kung ano ang aming layunin, sinabi ni Leah nahinihingi ang ang kanilang pahintulot ng pagsasalin ng karapatan ng itinakda. Mula sa kanya patungo sa kanyang kapatid na si Moroni. Nagpulong ang mga Ninuno ng sandali, at kinalaunan sinabi sa amin na pumapayag sila. Sinimulan na ang pagsalin ng karapatan sa dalawang magkapatid, umupo silang dalawa nasalikuran si Leah habang nilalagay nya ang kanyang dalawang kaway sa likod ni Moroni at nakita kung lumilipat ang lunar mula kay Leah patungo kay Moroni.
Pagkatapos na maisalin nagpaalam na si Leah sa amin dahil pwedi na syang magpahinga sa mundo ng mga espirito. Malungkot na panahon sa dalawang magkapatid, tinanong sya ni Moroni kung magkikita pa sila, sabi naman ni Leah na siguradong magkikita silang mag-anak sa pagdating ng tamang panahon. Pagkatapos magpaalam ang dalawa sa isat-isa ay pinuntahan ako ni Leah at hinalikan sa pisngi.
Ang mga ninunu ay nagbigay sa amin ng payo, nagbigay ng basbas, at nagpaalam narin. Puno kami ng pag-asa sa mga oras nayun at dahan-dahan akung namulat sa aking mission at layunin bakit ako pinanganak sa mundong ito.
Anga galing naman nito, kailan nyo po ba kuya dugtungan ang kwento? kakaiba ung mga pangalan
ReplyDeleteSalamat Jasmine wag kang mag alala mag post ako often:)
ReplyDelete